Chapter 30

6K 294 44
                                    

Gabino's POV


Inabot niya ang litrato dito. Siya iyon! Nakasuot pa siya ng high school uniform niya sa St. Catherine.

He barely remember when that photo was taken. Pero kilala niya ang kumuha niyon. Si Sabrina.

Di kaya...

Napalunok siya sa naisip. Imposible!

"A-Anong p-pangalan ng Mama mo?" tanong niya dito.

"Mickey,." mabilis na sagot nito.

Hindi niya alam kung saan siya nanghihinayang. Kung sa isiping hindi niya kilala ang tinutukoy nito o dahil hindi ang pangalan ni Sabrina ang binanggit nito. Ibinalik niya dito ang litrato saka muling pinaandar ang sasakyan.

"Saan mo nakuha 'tong picture?" pinipilit niyang hagilapin sa memorya niya kung may nakarelasyon ba siyang Mickey ang pangalan. Pero kahit anong pilit niyang isipin wala talaga. After Sabrina left him naging malikot na siya sa mga babae. Sa New york kaliwa't kanan ang nagiging girlfriend niya. At sa pagkakatanda niya walang Mickey na taga-Bulacan siyang nakarelasyon.

"Kay Nanay po – Tay, lagpas na tayo sa Jollibee!" anito.

Napabuntong-hininga siya at niliko ang sasakyan niya at nag-park sa Jollibee.

"What is your name, by the way?" tanong niya bago sila makababa.

"Gavin. G-A-V-I-N. Sabi ni Nanay same daw tayo ng name magkaiba lang ng spelling kasi pangmatanda raw ang sa'yo."

Now that's something. Bakit naman ito pangangalanan ng Nanay nito katulad ng pangalan niya kung hindi niya kilala ang Ina nito?

Tinitigan niya ito ng maigi habang nakapila sila. Ngayon niya lang napansin na kamukha niya pala ito. Sa mata, ang ilong pati ang pagkakakurba ng kilay nila. Napakagatlabi siya. Baka nga may posibilidad na anak niya ang batang ito. Hinayaan niyang ito ang mag-order nang kakainin nila.

Na sa bungad malapit sa pintuan sila pumwesto. Magana itong kumain at siya naman nanatiling pinag-aaralan ang kilos nito. Normal na normal naman ito katulad din ng mga ibang bata. Tumingin siya sa paligid. Iniisip na baka may mga kasama ito at balak lang siyang i-set up. Para makasiguro mabuti pang dalhin niya na lang ito sa presinto, sa DSWD kung saan mas alam ng mga naroroon kung ano ang gagawin kay Gavin.

"Hindi ka ba kakain, Tay?" tanong nito sa kanya.

Dinampot niya ang burger at kinagatan. Nakita niya namang ngumiti ito. Nang matapos silang kumain ay muli niya itong pinasakay sa kotse niya. Habang nagdi-drive ay sinusulyapan niya ito. Tahimik lang ito habang nakatanaw sa bintana.

Lumingon ito sa kanya ng iparada niya sa harap ng presinto ang kotse niya. "Anong gagawin natin dito, Tay?" nakakunot ang noo na tanong nito sa kanya. Hindi siya umimik at bumaba na siya ng kotse saka umikot para ipagbukas ito ng passenger seat. Seryoso na ang mukha ni Gavin. Parang alam na nito kung bakit sila naroroon. Tahimik itong bumaba ng kotse niya.

"Tara sa loob," aya niya dito.

"Ayoko!" Humalukipkip ito. "Hindi ka naniniwala sa akin. Iniisip mong hindi mo ako anak!" sumabt nito. Galit ang nakikita niya sa mga mata nito na may nagbabadya ng luha.

Parang may sumipa naman sa dibdib niya sa nakikitang galit nito.

"Kaya ka siguro iniwanan ni Nanay kasi ayaw mo talaga sa amin!" sigaw nito sa kanya.

Napahilamos siya dahil sa frustration na nararamdaman. "I don't know you! I don't know your mother either! How can I believe you? Wala akong kilalang Mickey!" Hindi niya na napigilan na masigawan din ito

Gavin's POV

NAPABUNGISNGIS siya habang nakatitig sa nalilito niyang ama. Napakamot siya ng ulo. Nakalimutan niyang linawin na ang Mama at Nanay niya ay magkaiba.

Pero sasabihin niya ba agad ang totoo?

Wag muna! - anang isip niya. Dahil pagsinabi agad niya malamang na pilitin siya ng Tatay niya kung nasaan ang Nanay niya. At ayaw niya munang mangyari iyon. Gusto niya munang makasama ang Tatay niya at makilala ito ng husto. Gusto niyang malaman kung bakit ito iniiyakan sa gabi ng Nanay niya. Kung bakit mas mahal ito ng Nanay niya kaysa sa kanilang magkakapatid. Bata pa lang siya madalas na niyang marinig na pinag-usapan ng Mama Mickey niya at ng Nanay niya ang tungkol sa isang Gabino Melchor. Habang nagkaka-isip siya nauunawaan na niya kung sino ito.

Lagi siyang lihim na nakikinig sa kwentuhan sa bahay. Minsan akala ng mga ito ay tulog siya at wala siyang pakialam pero iniipon niya lahat ng nalalaman. No'ng nakaraang linggo pilit niyang hinahanap ang pangalan ng Tatay niya sa facebook hanggang sa may nakita siyang GABINO MELCHOR ang pangalan na taga San Ignacio. Tinignan niya ang mga friendlist nito at may nakita siyang mga Arcega ang apilyido. Katulad ng sa Nanay niya. Ilang araw niyang ini-stalk ang facebook account na iyon hanggang sa magdesisyon siyang lumayas at magpunta ng San Ignacio.

Kinupitan niya pa ang Papa Jude niya ng pera para madagdagan ang pamasahe niya. Hindi niya kasi alam kung magkano ang aabutin. Buti na nga lang at nagbaon siya ng natirang kanin at adobo kaya hindi na siya bumawas pambili ng pagkain sa bus.

Pagbaba ng bus nagpahatid siya sa isang tricycle papunta sa Chef Melchor. Sa facebook niya rin nalaman na pagmamay-ari ito ng Tatay niya.

Alas-dyes ng tanghali siya dumating sa restaurant pero nanatili lang siya sa labas. Hanggang sa may dumating na kotse at lumabas doon ang lalaking kamukha ng Tatay niya. Papasok sana siya sa restaurant pero pingilan siya ng guard kaya nilapitan niya na lang ang kotse nito. Binuksan niya iyon gamit ang alambre at hairpin. Tinuruan siya ng Papa Jude niya kung paano magbukas ng iba't-ibang uri ng kandado at pintuan. Doon siya nagpahinga dahil mainit sa labas ng restaurant.

Salamin ang palibot ng restaurant kaya kitang-kita niya ang mga na sa loob. Pinagmamasdan niya ang mga tao doon hanggang sa makita niyang nagkagulo at papalabas ang Tatay niya na may buhat-buhat na babaeng walang malay kaya mabilis siyang lumabas ng sasakyan.

At ngayon kaharap na niya ito. Pero mukhang hindi ito naniniwala sa kanya. Pero pipilitin niya ito. Kailangang tanggapin siya nitong anak sa ayaw at sa gusto nito. Dahil paniguradong magugulpi siya ng Nanay niya pag umuwi siya sa kanila. Kaya mas magandang may kasama siya pag-uwi.

"Anak mo ako! Ako si Gavin Mechor. Pero hindi ko sasabihin kung sino ang Nanay ko! Hulaan mo 'yon, Tay, yan ang parusa mo dahil dinala mo ako dito at balak ipamigay sa mga pulis," aniya dito saka humalukipkip.

The Crazy Tease (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon