Hinatid siya ni Gab hanggang sa bahay nila kahit tumatanggi siya dahil mapapalayo ito ng daan pauwi pero makulit ito at nagpumilit. Obligasyon daw nitong masigurong safe siyang makakauwi lalo na at girlfriend na raw siya nito. Ang OA 'di ba? Pero hindi naman niya maiwasang kiligin, deym!
"Oh, paano pasok na'ko," sabi niya dito nang makarating na sila sa tapat ng bahay nila. Nanatiling nakahawak pa rin ito sa kamay niya at parang ayaw siyang pakawalan. Kinilig na naman siya. Feeling niya napakahaba ng buhok niya!
"Walang kiss?" anito na malaki ang pagkakangiti. Pinanlakihan naman niya ito ng mga mata at nagpalinga-linga sa paligid kung may ibang tao.
"Enekebe!" kunwa'y galit na aniya dito saka ito mahinang pinalo sa balikat. "Baka mamaya may makarinig sa'tin," aniya pa rito saka ito inirapan, pero sa totoo lang gusto na niyang tumili sa sobrang kilig. Naiihi na nga siya dahil kanina pa siya pinakikilig nang pinakikilig nito. Lahat ata ng sabihin at gawin ni Gabin kikiligin siya.
Tumawa lang si Gabin, lumabas tuloy ang mapuputi nitong ngipin. Napakagat-labi siya. Gusto niya itong sunggaban at yakapin! Pero nagpigil siya! Hindi nakakaganda ang pagiging aggressive baka ma-turn off ito sa kanya, pag nagkataon imbis na jowa na naging bato pa!
"Joke lang. Sige na pasok ka na." Bahagya pa siya nitong tinulak papasok sa gate nila. Pero Hindi siya nakapagpigil bago siya tumalikod tumingkayad muna siya at dinampian ng mabilis na halik ang labi nito saka nagmamadali nang pumasok. Ayaw niyang makita nito na pulang-pula na ang mukha niya.
Narinig niyang tumawa ito, nang lingunin niya si Gabin nakita niya ang kislap ng saya sa mga mata nito.
"Tatawagan kita!" pahabol na sigaw pa nito
"'Kay! Ingat sa pag-uwi," aniya at nag-flying kiss pa siya dito. Nagkunwari naman itong hinuli ang flying kiss niya saka iyon hinalikan. Parang tumalon ang puso niya sa ginawa nito. Kumaway na ito sa kanya. mabilis na siyang tumalikod bago pa siya himatayin sa sobrang kilig.
Pagpasok niya sa loob ng bahay narinig niya ang daddy at mommy niya na nagtatalo sa may kusina. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa kusina. Sumilip siya sa pinto na bahagyang nakaawang. Nakita niya ang mommy at daddy niya na nakatayo malapit sa center island ng kusina at mainit na nagtatalo.
Ano na naman kayang pinagtatalunan nila?
"Bakit siya pa, Sandro? Wala ka na ba talagang kahihiyan? Dito ka pa naghanap ng kakalantariin mo?" narinig niyang galit na sabi ng mommy niya, dinuro-duro pa nito ang daddy niya sa dibdib.
Nagulat siya sa narinig niya. May kabit si Daddy?
Madalas pera lang ang pinagtatalunan ng mga ito, kaya nagulat siya sa narinig niya.
"Tigilan mo ko, Marissa!" parang nauubusan ng pasensya na sabi ng daddy niya. Malakas na tinabig pa nito ang kamay ng mommy niya.
"Tigilan? Ikaw ang tumigil! Ang daming babae bakit siya pa? Napakababoy niyo!" malakas na sigaw ng mommy niya saka pinagbabayo ng suntok ang dibdib ng daddy niya.
Napasinghap naman siya ng malakas nang itulak ng daddy niya ang mommy niya at malakas na sampalin ito, dahilan para mapasubsob sa mataas na stool ang mommy niya at doon humagulgol ng iyak.
Nakaramdam siya ng awa para sa ina. Hindi siya makakilos sa kinatatayuan niya kahit na nang maglakad ang daddy niya papunta sa pintuan kung saan siya nagkukubli.
Nagulat pa ang daddy niya nang lumabas ito sa kusina at makita siyang na sa gilid ng pinto. Napatiim-bagang ito pero hindi nagsalita saka galit na tumaikod na at umakyat sa taas.
"M-Mom..." Nilapitan niya ang mommy niya na naiwang umiiyak. Natigilan ito at marahas na lumingon sa kanya. Namumula ang kaliwang pisngi nito, maga din ang mga mata nito dahil sa pag-iyak. Kitang-kita niya ang sakit na nasa mga mata nito at nasasaktan din siya dahil do'n.
BINABASA MO ANG
The Crazy Tease (completed)
RomansaLANDIIN si Gabino Melchor! Di baleng bumaksak ang grade basta pasado kay crush! Kaya lang hindi pala pwedeng maging sila.... First love ni Sabrina si Gabino kaya naman ng maging sila ay nakalimutan niya ang problema sa sariling pamilya.. Mahal na m...