Napitigil si Erika sa paglalakad nang makita niya si Manolo at ang pinsan niyang si Sabrina na seryosong nag-uusap. May kirot siyang nadama sa puso niya lalo na ng masuyong ngitian ni Manolo si Sabrina at nang i-abot nito ang brownies na binigay niya dito kanina. Gano'n din ang nadarama niyang kirot kapag nahuhuli niyang nakatingin si Manolo kay Sabrina at no'ng makita niya ang mga ito na magkasabay na pumasok nung isang linggo. Selos na selos siya, pero mahal niya si Manolo at ang pinsan niya kaya kinimkim niya yung sakit. Nagbulag-bulagan siya at pilit na pinaniwala ang sarili na siya ang mahal ni Manolo. At ngayon, gusto niya ulit magbulagbulagan pero... pero ng yakapin ni Sabrina si Manolo at gumanti si Manolo ng yakap dito alam niya, talo siya.
Agad na siyang tumalikod. Hindi niya kayang makita si Manolo at Sabrina sa ganoong tagpo. Parang pinipiga ang puso niya at naninikip ang lalamunan niya. Gusto niyang bumulalas ng iyak.
Isang buwan. Sa loob ng isang buwan naging masaya naman sila. Sa loob ng isang buwan pinaramdam at pinakita ni Manolo na mahal siya nito.
Tanggap niya naman e. Tanggap niyang mas unang nagkagusto si Manolo kay Sabrina pero ang hirap pa lang tanggapin na hanggang ngayon may feelings pa rin si Manolo sa pinsan niya.
Noon pa man, crush niya na si Manolo. Kaya nga itinutulak niya si Sabrina kay Gabin. Umasam siya na naka-moved on na si Manolo pero mukhang hindi pa pala.
Hindi na niya napigilan ang pagpatak ng luha niya. Ibinigay niya naman ang lahat kay Manolo. Naging mabait siyang girlfriend dito. Hindi na nga niya napapansin na baliwala siya sa mga magulang niya dahil para sa kanya sapat na si Manolo.
Pero maski pala ito hindi rin siya kayang mahalin ng siya lang. O mas tamang hindi siya kayang mahalin nito?
Kusang huminto ang paa niya sa paglalakad dahil dama niya ang panghihina ng tuhod niya. Napaupo siya at napasubsob sa tuhod niya saka doon umiyak. Hindi niya na kayang pigilan dahil ang sakit na. Hindi niya rin alam kung kaya niya bang lumayo kay Manolo.
Pinunasan niya ang luha niya. Hindi pwedeng maagaw ni Sabi si Manolo sa kanya. Kailangan niyang gumawa ng paraan.
Sabrina's POV
HINATID siya ni Manolo hanggang sa labas ng classroom niya. Nakita niyang nakaupo na sa loob si Gab ng room at nakayuko sa desk nito.
"Pasok ka na," anito sa kanya.
Tinanguan niya ito at nagpasalamat dito saka tuluyang pumasok na. Nagtungo siya sa pwesto niya habang nakatingin kay Gabin. Alam niya na alam nitong nandoon na siya pero hindi siya nito nilingon kahit isang beses. Miski si Jannah ay tinanguan lang siya at hindi siya kinausap. Nang dumating ang teacher nila ay agad na nagpa-long quiz ito. Namigay ito ng mga test paper sa mga nasa harapan para ipasa isa-isa hanggang sa likod. Nang na kay Gabin na ang mga test paper niya ay inabot lang nito iyo ng hindi pa rin lumilingon.
Hanggang sa mag-uwian ay hindi siya nito pinapansin nauna pa itong lumabas ng room.
"I gotta go, Sab. Susunduin ako ni daddy," ani sa kanya ni Jannah saka humalik sa pisngi niya. Tinanguan niya na lamang ito. Ipinasok na niya ang mga gamit niya sa bag at patayo na sana siya ng humarang sa harap niya si Millet. Nakasuot na ito ng P.E. na may nakalagay na apilyido ni Gab sa manggas.
"Pinahiram ako ng boyfriend mo kanina. Basang-basa kasi ang damit ko at wala sa locker ang P.E. uniform ko," paliwanag nito ng mapansin nitong nakatingin siya sa manggas nito. "Pwede ba tayong mag-usap?" tanong nito sa kanya.
Tumango na lang siya saka naupo ng muli at hindi na nagsalita, ayaw niyang may masabi na naman ditong masama.
Inantay lang nilang mawala ang mga classmate niya bago ito naupo sa harap tabi niya.
BINABASA MO ANG
The Crazy Tease (completed)
Любовные романыLANDIIN si Gabino Melchor! Di baleng bumaksak ang grade basta pasado kay crush! Kaya lang hindi pala pwedeng maging sila.... First love ni Sabrina si Gabino kaya naman ng maging sila ay nakalimutan niya ang problema sa sariling pamilya.. Mahal na m...