Chapter 1

21.7K 457 17
                                    

"Sab!"

Napalingon si Sabrina sa tumawag sa kanya.

Si Erika.

Pinsan niya; anak ng kapatid ng Papa niya. Kaka-transfer lang ni Erika dito sa St. Catherine dahil na-kick out sa dating school na pinapasukan nito.

Sinapak kasi ni Erika ang kaklaseng nitong lalaki. Muntik na raw mabulag dahil nakasuot ng eyeglass, na nabasag nang sinapak ng pinsan niya. Literal na bully at spoiled brat si Erika, dahil siguro nag-iisang anak ng may-ari ng banko at haciendera. Pero mabait naman ito 'wag lang talagang kaklalabanin dahil hindi ito mahilig magalit dahil mahilig itong gumanti.

"Shopping tayo!" nakangiting aya nito.

"Gaga, may klase pa!" Lunch break pa lang nila at mamaya pang alas kuwatro ang uwian.

"Cutting tayo, tange!" nakangising sabi nito, may dinukot ito sa bulsa ng palda at nilabas ang kulay itim na card. Nanlaki naman ang mga mata niya.

"Namo ka, kaninong credit card yan?!" tanong niyang medyo excited na. Hinila niya ito sa gilid dahil nakaharang sila sa pinto ng canteen, nabubungo na sila ng mga naglalabas-pasok na estudyante. "Sa'n mo nakuha 'yan?" manghang tanong niya rito.

"Pinitik ko kay Daddy. Tara na, cut na tayo!"

"Baka naman walang laman 'yan?"

"Sira, meron to no! 500k limit nito!"

"Yun naman pala eh! tara na!" Natatawang hinila niya na ito palabas ng canteen. Tatanggi pa ba siya? Mas masarap mag-shopping lalo na at libre, tutal wala naman siya assignment na nagawa sa Math na next subject nila after ng recess. Terror pa naman ang teacher nila ro'n.

Madaling araw na kasi sila nakauwi ni Erika, kaya 'di siya nakagawa ng assignment. Tumakas sila kagabi para pumunta sa plaza dahil may sayawan doon.

"Sabihan mo si Kuya Sean, baka isumbong tayo," utos nito habang naglalakad sila pabalik sa room para kunin ang bag niya.

"Tatawagan ko na lang."

Wala namang problema sa kuya niya dahil pareho lang naman silang bulakbol. hindi iyon magsusumbong basta titimbrehan niya lang na hintayin siya nito sa kanto na malapit sa bahay nila para sabay silang uuwi. Yun kasi ang bilin sa kanila na laging sabay papasok at sabay ring uuwi.

Isang taon lang ang tanda sa kanya ng kuya niya pero naging magka-batch sila dahil nahinto ito ng isang taon ng ma-operahan sa puso.

Naging magkaklase sila nung first year hangang third year kaya parang naging barkada lang sila. Laging nagtatakipan sa kasalanan ng isa't isa.

Nang makarating sa room nila agad niyang kinuha ang cellphone niya sa bag at dinial ang number ng kuya niya, pero hindi ito sumasagot kaya tinext niya na lang.

"Tara na!" baling niya kay Erika nang masukbit na niya ang bag niya.

Sabay silang lumabas. Sa likod ng gym sila dumaan para makapunta sa lumang gate ng school na ngayon ay naging tambakan na lang ng mga upuuan at tolda, at para na rin makaiwas sa guard. may mababa kasing bakod ro'n na puwedeng talunin, kaya dun sila lalabas.

Nagmamadali nilang hinubad ang uniform nila na isang palda na checkered, sky blue at apple green ang print at puting blouse na may square colar at paha. Sa ilalim ng uniform mayroon siyang suot na short-shorts at sando na maiksi abot lang sa ibabaw pusod niya at may mukha ni Che Guevarra.

Kinuha niya ang jacket niya sa bag at sinuot, nilabas niya rin ang favorite niyang flat gladiator sandals na lagi niyang dala para pamalit sa black shoes niya dahil lagi naman silang nagcu-cut ng class. Tinupi niya ang uniform niya at pinagkasya sa backpack niya kasama ang black shoes, saka binato iyon sa kabilang parte ng bakod.

The Crazy Tease (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon