Chapter 20

5.8K 250 18
                                    

She was stunned sa nakitang inabot ng nurse sa anak ng bagong asawa ng daddy niya. Ibig bang sabihin may posibilidad na buntis din si Mickey? Malamang!

Pagagamitin ba iyon ng pregnancy test kung hindi buntis? At Mickey pala ang pangalan ng hitad! Hindi niya akalain na ka-school mate niya pala ito. Sabagay si Erika at Jannah lang naman ang kaibigan niyang babae sa school na ito. Kung hindi kasi inis sa kanya ay ilag namang mapalapit sa kanya ang ibang estudiyante dahil sa reputasyon niya bilang patapon.

"Would you be fine here? Magmemeryenda lang ako sa canteen," paalam ng nurse sa kanya.

Nakangiti siyang tumango dito. Nang makalabas ang nurse ay agad siyang tumayo at sinilip ito sa pintuan kung nakalayo na ito, saka siya mabilis na lumapit sa lamesa nito at hinalungkat ang box na kinuhanan nito ng pregnancy test kanina. Agad naman niyang nakita iyon kaya kumuha siya ng isa.

Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Ito ang sagot sa mga tanong niya. Isinuksok niya sa bulsa ang pregnancy test saka kinuha ang gamit niya at lumabas ng clinic. Nagpunta siya sa restroom na malapit sa library. Sinuguro niya munang walang ibang tao sa loob ng restroom bago niya ni-lock ang pinto. Pumasok siya sa isang cubicle. Ibinaba niya ang takip ng bowl saka doon naupo. Sa nanginginig na kamay kinuha niya ang pregnancy test sa bulsa niya at binasa ang instruction. Sinunod niya ang nakasulat sa pakete at pigil-pigil niya ang paghinga habang nag-aantay na lumakad ang patak ng ihi niya. Lumitaw ang isang kulay pulang guhit. Nawalan ng lakas ang mga tuhod niya ng lumitaw ang pangalawang pulang linya.

Positive!

Nanlulumong bumagsak ang mga luha niya. Buntis siya! Anong gagawin niya? Napahawak siya sa tyan niya.

Nagtagal pa siya ng ilang oras sa loob ng cubicle. Iniiyak niya nang iniiyak ang sitwasyon niya. Bumalik siya sa clinic para manghingi ng gate pass. Gusto niyang umuwi at magpahinga. Gusto niyang mag-isip dahil gulong-gulo na siya. Pagdating sa bahay nila naabutan niya ang Tita Clarice niya sa sala na nakaupo habang nagbabasa ng magazine. Hindi niya ito pinansin. Dire-diretso siya sa hagdan. Pero pinigilan siya nito. Walang ganang nilingon niya ito.

"Parang wala kang nadaanan ah! Hindi ka man lang marunong bumati?"

"Close ba tayo? Mukha ba akong nakikipag-close sa'yo?" sarkastikong tanong niya dito. "'Wag kang umastang nanay ko. Dahil wala ka sa kalingkingan ng mommy ko."

"Bastos ka talaga!" anito saka tumaas ang kamay para sampalin siya. Hindi siya umilag. Ni hindi siya pumikit. Nanatili siyang nakataas ang noo at nakatitig dito. Natigil naman sa ere ang kamay nito.

"Ano? Bakit di mo 'ko masampal?" marahas na inagaw niya ang braso na hawak nito. Napatiim bagang naman ito. "Kung ayaw mong magkagulo, layu-layuan mo ako. Hindi mo gugustuhing kapag pinag-initan kita, dahil miski daddy ko hindi ka maipagtatanggol."

Ngumiti ito. "Manang-mana ka talaga sa aki- sa nanay mo." Akmang hahaplusin nito ang buhok niya pero tinapik niya lang ang kamay nito. Naguguluhang tinignan niya ito ng masama. Tumawa ito. "Nagmeryenda ka na ba?" anito sa malambing na boses. Hindi niya ito sinagot at inirapan lang saka tinalikuran.

Inis na pumasok siya sa kwarto niya at sinuguradong naka-lock iyon. Mahirap na baka pumasok na naman sa kwarto niya ang baliw na mag-ina.

Akala ata ng babae na 'yon kaya siyang sindakin nito. Siguro nga'y bata pa siya sa paningin nito pero nasisiguro niya naman na kaya niya itong labanan. Isa siyang Arcega. And Arcega's never let anyone trampled them. Isa sa tinitingalang pamilya ang mga Arcega sa San Ignacio at mga kalapit na bayan, noon pa man kapanahunan ng lolo ng lolo niya. Ang mga Arcega ang nagmamay-ari ng halos 50% ng kabuhayan ng mga taga San Ignacio. They almost owned the entire land. Kaya kung aakalain ng bagong babae ng daddy niya na magbo-bow down siya dito'y nagkakamali ito. Hindi man siguro pareho ang life style nila Erika ang life style nila pero bago pa man siya ipanganak may trustfund na nagkakahalaga ng milyones ang ibinigay ng lolo Damian nila sa kanilang magpipinsan

The Crazy Tease (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon