Pagka pasok ko sa bahay nagulat ako dahil nandito si Papa.
Hindi madalas bumisita dito si Papa sa bahay, bibisita lang siya dito kapag may gusto siyang sabihin na importante.
Nag bless naman ako kay Mama na nakaupo sa couch at tila inaantay yung paguwi ko.
Nag bless din ako kay Papa na katabi si Amber na nanonood ng cartoons.
"Ma, Pa, may problema po ba?" Pagtatanong ko sa kanila at umupo sa tabi ni Mama.
"Amber anak, puntahan mo muna si Ate Blair sa kwarto niya" sabi ni Mama kay Amber.
Sumunod naman si Amber at pumunta na sa room ni Ate Blair.
"Anak, napag usapan namin ng Papa mo na isasama ka niya sa States" pagsisimula ni Mama.
Napa awang yung labi ko sa sinabi ni Mama ako pupuntang States? Bakit? Anong rason?
Dahil ba madalas ako umuuwi ng gabi? Kasi kung oo, aagahan ko na yung uwi ko wag lang ako pumuntang States.
Ayokong mahiwalay kay Mama.
Ayokong mahiwalay sa mga kapatid ko hindi ko kaya.
"Anak Astrid, para sayo din to. Mas magiging maganda ang kinabukasan mo kapag nandoon ka" sabay hawak ni Papa sa kamay ko na nanginginig.
Inilayo ko yung kamay ko sa kaniya dahil ayoko ayokong iwanan yung mga taong mahahalaga sakin dito.
Eto ba yung rason bakit ako pinapauwi ni Kuya agad?
Bakit? Bakit kailangan pumunta pa ako don kung maganda naman yung buhay ko dito kasama sila Mama.
"Hindi. Ayoko po Pa, ayoko pong sumama sa States" at tumayo na ako para pumunta sa kwarto ko.
Narinig kong tinawag pa ako ni Mama pero hindi ko na siya pinansin dahil hindi ko maintindihan kung bakit kailangan kong pumunta don.
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.
Naiisip ko pa lang na malalayo ako kela Mama naiiyak na ako, sila Mama yung nakasama ko ng mahabang panahon.
Hindi ko sila kayang iwan. Ayoko.
Hindi ako galit kay Papa, ayoko lang sumama sa kaniya sa States dahil nandito sa Pilipinas yung buhay ko.
Nandito sa Pilipinas yung rason bakit masaya ako sa buhay na meron ako.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kakaiyak.
"Hoy Kobeta ang aga aga naka bunsangot ka na naman" pambwibwisit nitong si Nicho na nakaupo sa harapan ng upuan ko.
"Pwede ba, wala ako sa mood makipag bwisitan sayo" sabi ko sabay irap sa kaniya.
Kaninang umaga sinusubukang iopen ni Mama yung topic na napag usapan namin kagabi pero agad din akong umiiwas dahil ayoko talagang umalis.
"Sungit mo ano bang meron?" Pagtatanong ni Nicho at lumipat pa sa tabi ng upuan ko para kunwaring makinig sa ikwekwento ko.
Wala pa kasi si Parker dahil malalate daw siya ng dating at good thing absent daw si Sir Ramos.
Si Bien ni Amanda nasa Cafeteria kumakain na naman, as usual. Wala ng bago sa dalawang yon.
Si Khal naman nakikipag landian sa mga babae naming classmates na halatang may gusto sa kaniya.
Si Donny naman wala pa din, ewan ko ba sa isang yon. Hindi naman nag iwan ng dahilan si Donny.
"Ano bang pakielam mo ha?" Naiinis na sabi ko kay Nicho.