Chapter Six

55 36 1
                                        

Kakadating lang namin dito sa Rest house nila Amanda sa tagaytay, malaki ito at maganda. Nandito din si Ate Leslie, yung nag babantay ng bahay nila.

"Bien, penge ngang piatozz" ani ni Khal habang tinatanggal yung jacket na soot niya kanina.

"Kanina ka pa ah, last na'to" ani ni Bien at hinagisan si Khal ng piatozz na sitsirya.

Si Donny at Parks na yung nag-presinta na mag luto ng aming lunch.

Si Bien ni Khal at Nicho ay naito din sa sala at nagpapahinga katulad ko.

Si Amanda, inaayos yung mga kwarto namin sa taas. Inutusan niya kasing mag grocery si Ate Leslie kaya siya ang gumagawa ng dapat ay si Ate Leslie.

"Astrid, usto mo?" Pag aalok sakin ni Khal habang kinakain yung piatozz na hawak hawak niya.

Ngumiti naman ako at akmang kukuha na pero nilayo niya ito, napaawang naman yung labi ko sa gulat, akala ko ba inaalok niya ko?

"Akala ko inaalok mo'ko Khal?" Naguguluhang tanong ko sa kaniya, "Di pa kasi tapos. Usto mo sumabog muka mo?" At nagtawanan sila nila Nicho dahil sa itsura ko.

Nakakainis! Ang kapal ng muka niyang pagtawanan ako, ha. Bakit sino ba siya sa inaakala niya?!

Binigyan ko lang sila ng matitinding irap bago iniwanan at pinuntahan si Amanda sa taas para tulungan na lang.

Narinig ko pang tinawag ako nila Khal, pero nagpanggap ako na walang naririnig at tuloy tuloy lamang na umakyat kung nasan si Amanda.

Nakita kong nag-papalit si Amanda ng mga cover ng kama kaya naman tinulungan ko siya.

"A-astrid. Kinabahan ako, akala ko naman kung sino" ani nito at napahawak pa sa dibdib niya.

"Tulungan na kita. Wala din naman akong ginagawa eh" at tinulungan ko siyang lagyan yung foam ng mga cover nito.

"Pansin ko hindi kayo nagkiki-buan ni Nicho, ayos lang ba kayo?" Mararamdaman mo na may concern sa boses ni Amanda.

Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kaniya na matagal na kaming ganoon ni Nicho.

Pero ano pang sense pag sinabi ko sa kaniya? Hindi na din naman kami magkakaayos, at babalik sa dati.

"Uy Astrid, okay ka lang?" Nag aalalang tanong sakin ni Amanda at binalingan pa ko ng tingin.

Tumango ako, "O-oo naman, ayos ako." At ngumiti ng peke sa kaniya at itinuloy ko na yung ginagawa ko.

Natapos na din kami ni Amanda at bumaba na para makakain ng pananghalian.

"Kain na Amanda, Astrid luto na bicol express" pag aaya samin ni Parks habang inihahanda ang pagkain sa mesa.

"Uy Astrid galit ka ba? Ito oh, sayo na'tong piatozz" ani ni Khal at inabot sakin yung piatozz na hindi pa nababawasan.

"Yan kalokohan mo kasi' gago ka" ani ni Bien.

"Tss. Ang arte." Hindi naman nakatakas sa pandinig ko yung huling nagsalita.

Automatiko naman akong napatingin sa kaniya dahil sa inis na nararamdaman ko, gago ba siya? Inaano ko ba siya?!

"Anong problema mo?!" Hinawakan naman ako ni Amanda sa kamay, para pigilan.

"Ikaw anong problema mo?" Ani ni Nicho, waw. Ako pa ngayon e siya tong nanguna!

"Kung galit ka sakin sabihin mo, wag kang bumulong. Ganyan ka naman eh, iniiwasan moko basta basta ng hindi ko alam yung rason!" Naiinis na sabi ko at iniwan sila sa hapag.

Romance Monster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon