Chapter Twenty Six

26 19 0
                                    

"Sigurado ka ba talaga dito sa plano mong to Astrid?" Paninigurado sa akin ni Marcus habang nandito kami sa isang Italian Restaurant habang pinagmamasdan yung ex-girlfriend niyang niloko siya.


Marcus na yan 'teh niloko pa. Hindi naman ka-gandahan itong ex-girlfriend ni Marcus para magloko. Whatever.


Biruin mo yun wala pa silang isang linggong break may bago na namang kinakarengkeng itong babae na'to. Well, tignan na lang natin kung kekerengkeng ka pa pagkatapos nito.


"One hundred percent sure, Marcus." Ani ko dito at ngumingiti ng mala demonyo.


Natanaw kong papunta na yung babaeng binayaran ko sa pwesto nila para ibigay yung box na may lamang maliliit na daga. Sinigurado ko namang hindi magsasalita yung babaeng binayadan ko kung sino yung nag utos sa kaniya dahil doble doble pa yung perang ibinigay ko sa kaniya.


Napansin kong kinakausap na nitong babaeng ito si Nikka na ex-girlfriend ni Marcus at ipinatong na sa table nila yung box na ako pa mismo ang pumili ng design.


"Astrid, nakokonsensya ako." Sabi ni Marcus habang naka tingin pa din sa table nila Nikka.


"Don't Marcus. She deserve it." Aniya ko habang hindi pa din mawala yung ngisi sa aking labi.


Maya maya lang din ay narinig ko na yung galit na galit na boses nitong si Nikka. Magalit ka lang hanggang mamatay ka sa galit, Nikka.


"Aghhhhhh! Ano ba yan! Bakit ganyan yung laman niyan? Ha?!" Sigaw nito at inihagis yung box na may lamang maliliit na daga kaya nagkalat ito sa lapag dahilanan kaya napatili na din yung ibang mga costumer dito.


Agad ko namang hinila si Marcus kahit hindi pa nangangalahati yung pagkain namin patungo sa labas nitong Italian Restaurant na'to para mailabas ang tawang kanina pa gustong kumawala.


"Nakita mo yung mukha niya? Myghod! Ang panget pala ng ex mo lalo!" Natatawang sabi ko dito habang nakahawak pa sa aking tiyan.


Nandito na kami sa loob ng sasakyan ko kaya eto nakakatawa na ako ng sobrang laya kasi wala ng makakarinig sa amin dito at makakakita dahil tinted tong sasakyan ko.


"It's not funny Astrid." Nakokonsensyang sambit ni Marcus habang napapahawak na lang sa kaniyang sentido.


"Ang KJ mo! Ayaw mo nun? Nai ganti na kita sa Nikka na yon!" Medyo naiinis na sabi ko dito dahil bakit ba ang KJ niya? Eh sa tutuusin nga dapat matuwa pa siya dahil nai-ganti ko na siya doon sa ex niyang manloloko eh!


"Hindi naman kasi porket nagawan ka ng masama nung tao, ay kailangan masama na din yung gawin mo. Minsan, kailangan mo lang tanggapin na niloko ka. Kasi, kung lolokohin ka lolokohin ka. Wala kang magagawa don Astrid. Choice nila yun eh." Sabi nito at itinuon na lang yung tingin sa phone na hawak hawak nito.


Ilang taon na din yung lumipas pero hanggang ngayon nandito pa din yung galit, yung sakit, yung hinanakit. Hindi na yata mawawala dito yun eh. Naka-marka na.


Ilang taon na din yung lumipas simula ng umalis ako. Madami ng nag bago. Madami na. At isa na ako doon.


Mahigit mag da-dalawang buwan na din simula ng umuwi ako dito sa Pilipinas kasama si Marcus. Pinuntahan niya ako noon sa States para samahan. At ngayon, nandito pa din siya sa tabi ko para samahan pa din ako.


Hindi ko na lang pinansin yung sinabi nito at binuhay na ang makina para makalayo na kami doon at maka-uwi na sa sari-sarili naming Apartment.

Romance Monster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon