"Greta ghorl ang gwapo nung bagong kasama nila Khal." Naka-ngiting pambungad sakin nitong si Parker pagka-pasok ko ng classroom namin.
"Ang aga aga puro gwapo. na naman yang laman ng bibig mo. Nahawa ka na kay Amanda." Natatawang sabi ko sa kaniya.
"Balita ko ghorl classmate natin sila." sabi ni Parker habang tinatawagan si Amanda dahil wala pa siya hanggang ngayon. Mag ta-time na.
Mabuti na lang dumating na si Amanda bago pa dumating yung prof namin 'e paano kumain pa daw siya sa Cafeteria.
Maaga namang natapos yung klase namin at hindi pumasok sila Khal kasama yung gwapong sinasabi ni Parker.
Well gusto kong malaman kung gwapo nga ba talaga. Nandito kami sa Cafeteria dahil lunch time na namin.
"Hey girls! Okay lang maki-table?" Napa-tingin ako sa lalaking nagsalita at tama nga ako si Khal.
Okay lang naman samin nila Parker at Amanda dahil kaibigan na namin tong sila Khal, Donny at Bien.
"Sure, pero nasan yung isa niyong kasama kanina?" Pag tatanong nitong si Parker.
Busy ako. Kumakain ng pasta na inorder ko dahil kanina pa ako nagugutom ewan ko ba nahahawaan na ako nila Parker at Amanda ng katakawan.
"Ah, si Nicho susunod daw. Pinatawag ni Dean eh." Sabi nito. Nabilaukan naman ako sa sinabi ni Khal.
"Oh, tubig." Aniya ni Amanda at sabay abot sakin ng mineral bottled water.
Ininom ko yung bigay na tubig ni Amanda dahil nabilaukan talaga ako sa pangalang binanggit ni Khal.
"Okay ka lang Astrid?" Nag aalalang tanong sakin ni Donny.
Tumango na lang ako dahil hanggang ngayon hindi ako maka-paniwala na si Nicho yung bagong kaibigan nila.
At si Nicho din yung sinasabing gwapo ni Parker. Small world nga naman oh...
Umupo na sila Khal, Donny at Bien sa tapat namin at inaantay nila si Nicho bago umorder.
"Tol, ang tagal mo naman gutom nako." Sabi ni Bien habang naka hawak pa sa tiyan niya.
Kelan ka ba nabusog ha, Bien?
Napa-tingin naman ako kay Nicho at ganon din siya na halatang nagulat dahil ka-table ko sila Khal.
"Oo nga pala Nicho, si Parker, Amanda tsaka si Astrid kaibigan din namin sila." Pagpapakilala samin ni Khal.
"Hi Nicho! Ang pogi mo nga talaga lalo na sa malapitan." Kinikilig na sabi ni Parker sabay shake hands.
"Chibog na tols, Amanda!" Aniya into sabay taas nung chicken wings na hawak niya.
Kahit kelan talaga puros pagkain. Bagay sila ni Bien 'e minu-minutong laging gutom.
Ngumiti lang si Nicho sa kanila at nakipag shake hands din.
"Astrid." Simpleng pagpapakilala ko sabay nakipag shake hands ako. Ayoko namang isipin nila Donny na bastos ako sa New Friend nila.
"I know. Ikaw pa ba makakalimutan ko?" Naka-ngiting sabi ni Nicho sakin.
Nanlaki naman yung mata ko at hindi makapaniwalang yun yung sasabihin niya. Grrr!
Nakakahiya kela Parker...
"Woi woi! Tol magka kilala kayo ni Astrid?" Pagtatanong ni Khal na halata mong nagulat din.
Si Parker, Donny, at Bien naman gulat na gulat din sa sinabi nitong bwisit na lalaki na ito.
Si Amanda walang alam sa nangyayari dahil panay yung kain niya sa chicken wings niya.
