Chapter Twenty Three

30 19 0
                                        

Nandito kami ngayon sa Airport nila Parks dahil susunduin namin si Amanda. Ngayon kasi yung dating niya dala dala yung mga pasalubong namin.

De biro lang. Mas inisip ko pa talaga yung pasalubong e noh? Wag tularan. Siraulong kaibigan.

Kumpleto kami ngayong Barkada dito sa Airport syempre. Gusto kasi namin maisip ni Amanda na sobra namin siyang namiss which is true kaya eto pare parehas kaming hindi pumasok para lang sunduin siya.

Sari sarili kaming mga dahilan. Si Parker, nilalagnat daw ang gaga pero tignan mo ngayon dinaig pa kiti kiti dahil sobrang gaslaw. Si Donny naman, masakit daw ang ulo. Well. Kadalasan, ayan talaga yung ginagamit nating mga students na excuses para lang payagan tayo ng mga parents nating huwag umattend ng class. So balik na nga tayo, si Khal naman ay susunduin daw sa Airport yung Kuya niya kahit wala naman talaga siyang Kuya ayos noh? Si Nicho at Bien naman iisa lang ang ginamit na rason. Jusmiyo marimar hindi ko nga alam pano nila napaniwala yung Prof namin. Eh paano ang sinabi ng dalawang gunggong sabay daw silang naka lunok ng piso. Mga gago talaga eh.

And syempre ako. Dahil mabait at hindi ako marunong magsinungaling sinabi ko yung totoo sa Prof namin na magsusundo ako ng friend ko kaya kapag nakita kami dito ng Prof namin hindi ako tatablan ng kaba. Well, sa mga gunggong na'to ewan ko na lang.

Halos mag da-dalawang oras na din kaming naka upo dito habang inaantay si Mareng Amanda. Si Khal nga nakatulog na kaka-antay e paano ba naman kasi ala singko pa lang ng umaga sinundo na kami sa mga bahay namin nitong lintek na Albien na'to eh. Sobrang excited. Well, sabagay hindi ko naman siya masisisi kasi kahit ako gustong gusto ko na makita si Amanda.

Hindi ko ba alam anong inalmusal nitong si Parker kung bakit ganito to kali-galig ngayon. Hindi ko alam kung excited lang din ba siya na tulad ko o nakalunok lang ito ng uod. Tsk.

Siguro mga isang oras din uli yung inantay namin bago namin natanaw si Amanda ngayon na hila hila yung kaniyang bagahe habang sa kabilang kamay ay puro paper bags.

Kaya naman pala matagal din tong isang ito nag shopping pa talaga.

"Baby! Putangina si Baby!" Hindi makapaniwalang sabi ni Bien at dali daling tumakbo sa direksyon ni Amanda.

Pinagtitinginan lang siya ng ibang mga tao dahil sa paulit ulit na mura nito dahil nakita niya na uli't si Amanda.

Naka tanaw lang kami dito kay Amanda at Bien na ngayon ay magkayakap na dahil sa pagka sabik sa isa't isa.

"My girls! Kyah. I miss you, two!" Aniya ni Amanda at sabay kaming niyakap ni Parker at paulit ulit na hinalikan sa ulo na parang isang nanay.

"OA na sis ha. I miss you too!" Sabi ni Parks dito.

"Ang ganda ganda mo na lalo Amanda!" Totoo. Lalong gumanda at nag improve yung katawan ni Amanda.

"Small things ano ba kayo." Aniya kaya sabay na hinila namin ni Parks yung buhok nito.

"Tama na yan. Gisingin niyo na yung isang yon oh. Mukhang walang ka alam alam na nandito na yung sinusundo natin." Pambabasag ni Nicho sa aming yakapan porsyon.

"Yaan mo yan. Di po namin yan kilala." Siraulong sabi ni Donny at niyakap si Amanda.

"Grabe! Amoy sapatos! Ehem, Amanda." Pagpaparinig ni Nicho dito habang naka akbay kay Amanda.

"Tanginang ilong yan." Ani ni Bien dito.

"Namiss ko kayo!" Sabi ni Amanda kay Nicho at Donny at sabay na niyakap ng mahigpit.

Romance Monster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon