Time flew so past. It was already the day of the opening of my coffee shop. Tinignan ko muli yung sarili ko sa salamin habang hindi pa din mai-alis sa mga labi ko yung ngiti. Sobrang saya ko.
Dumating na din yung araw ng pinaka-inaantay ko. Sobrang proud ako sa sarili ko.
I looked at my self in the mirror again and smiled. Again... This is it! Ito na yun. Hindi ako makapaniwala.
Im so happy for my self.
"Proud na proud ako sayo, nak..." Nakangiting sabi sa akin ni Mama habang pinagmamasdan ako dito sa salamin.
Dito ako natulog sa bahay namin dahil gusto kong i-spend yung time ko sa pamilya ko.
At saka namiss ko din dito matulog. Namiss kong kasama sila.
"Salamat, Ma." Nakangiting sabi ko dito.
"Bagay na bagay sayo, nak." Sabi ni Mama habang hindi din mawala sa labi nito yung ngiti.
Muli kong tinignan yung soot kong brown skirt at tinernuhan ko ng black long sleeve na ang style ay pa turtle neck.
Simple lang pero masasabing bagay na bagay sa akin. Hindi sa pagmamayabang pero parang ganon na nga.
Ngumiti ako kay Mama at walang ano ano'y niyakap ito ng mahigpit. Kung hindi dahil sa kaniya wala ako sa posiyon na'to.
Kung hindi dahil sa kanila ng pamilya ko hindi ko ma-achieve itong pangarap kong ito.
Nakaka blessed and at the same time thankful ako dahil sa kanila. Sila yung unang naniwala at nag tiwala sa kakayahan ko.
"Ate, arat na! Nag iintay na si Papa sa labas." Excited na sabi ni Amber na kakapasok laang sa aking kwarto.
Isang sasakyan na lang yung gagamitin namin. Si Kuya Sy at si Ate Iris ay naka-bukod ng sasakyan na gagamitin dahil kasama nila yung baby nila. Yung pamangkin ko.
"Okay okay. Nako excited si bunso kesa kay Ate." Natatawang sabi ni Mama which is true.
"Naman! Proud na proud kaya ako kay Ate 'noh." Aniya at yumakap pa sa akin.
"Neknek mo! Ano, sira na yung phone mo?" Sabi ko dito dahil alam kong may hihingiin na naman ito kaya ganito.
"Ate naman!" Aniya at ngumuso pa.
"Ambagal niyo! Hindi pwedeng pinag aantay ang magaganda!" Sabi ni Ate Blair na kakapasok lamang din sa aking kwarto.
"Mabuti na lang hindi ka maganda. Tara na." Nangaasar na sabi ko dito at dali dali ng lumabas ng aking kwarto dahil alam kong babatukan ako non.
"ASTRIIIIIIIDDDD!"
Naririnig kong sigaw ni Ate Blair sa akin. Narinig ko naman yung malakas na tawanan ni Mama at Amber.
"Hi, Astrid, congratulations!" Aniya ni Khal sa akin.
Niyakap ko naman ito, "Thank you, Khal! Asan sila Bien?" Pagtatanong ko dito.
"Hanap mo'ko? Gwapo ko talaga." Sabi ni Bien na kakadating lamang.
"Char! Congrats, bro!" Sabi nito at yumakap din sa akin.
