Something woke me up, it's two am in the morning. Hindi ko maintindihan yung pakiramdam ko. Parang ang bigat bigat. Alam mo yun?
Naka-titig lang ako sa kisame habang malalim na nag iisip. Tama ba yung ginawa ko?
Bakit ko ba kwine-kwestyon yung sarili ko 'e para sa akin din naman ito. Tama. Siguro, hanggang doon na lang talaga kaming dalawa.
Hanggang mag kaibigan lang talaga...
Pumasok ako ng trabaho ko ng puyat at sobrang lalim ng eyebags dahil mahigit alas-kwatro na din akong dinalaw muli ng antok at gumising ako ng alas-singko para mag prepare.
"You okay?" Pagtatanong sa akin ni Marcus habang umiinom ng Kape nito.
Yes. Naka-balik na si Marcus dito sa Office. Ito na uli yung Boss ko at hindi na si Bright. Dito pa din naman nag wo-work si Bright kaso ibang floor na.
Sayang nga at hindi naka dalo si Bright nung Debut ni Amber dahil umalis sila ni Ariana.
"Yeah. Puyat lang..." Aniya ko at tumungo na sa table ko at ipinikit ang mga mata ko.
Kahit five minutes lang...
"Anong nangyari?" Mahinanong pagtatanong sa akin ni Marcus na nandito na sa harapan ko.
Alam lahat ni Marcus yung nangyayari sa buhay ko. Ganiyan siya. Hindi ko nga alam kung Kaibigan ko ba talaga yan o Kakambal na. Kakaiba eh.
"Im fine." Pagsisinungaling ko dito at sinimulan ng i-open yung laptop ko.
"Mamaya na yan. Tumingin ka nga sa akin, Astrid." Seryosong sabi nito sa akin.
Ngumiti ako ng peke dito at hindi ko namalayang tumulo na pala yung luhang kanina pa gustong kumawala.
Ako lang ba yung nagiging emotional lalo na kapag tinatanong ka ng malalapit sayo kung anong nangyari bakit ganiyan ka.
Wala lang. Pakiramdam ko sobra nila akong inaalala. Sobra sobra ko na-appreciate lahat ng yon.
Naramdaman kong niyakap ako ni Marcus habang hinahagod yung likod ko.
"Marcus..." Parang batang pagsusumbong ko dito habang napapahagulgol.
Mabuti na lang ay wala pa si Judy dahil ayokong makita niya akong ganito. Ayoko ng mag alala pa si Judy.
"Iyak ka lang, hmmm? Iiyak mo lang hanggang mabawasan yang pain na yakap yakap mo." Aniya habang naka-yakap pa din sakin.
Mas lalo akong naiyak dahil sa sinabi nito. Sinunod ko lang naman yung sinabi niya na iiyak ko lang...
Sana nga Marcus kahit onti mabawasan yung pain na nararamdaman ko kapag umiyak ako ng umiyak.
"Ano bang nangyari hmm?" Mahinahong pagtatanong nito sa akin.
"Ipinatigil ko na siya Marcus... Gusto ko ng mag simula ng pani bagong buhay ng hindi siya kasama. Marcus, akala ko okay na ako. Akala ko tanggap ko na 'e pero bakit ganon? Yung nakita ko si Nicho bakit bumalik lahat ng sakit?" Umiiyak na sabi ko dito habang hindi pa din inaalis yung pagkakayakap ko sa kaniya.
"Gusto mo ba talaga yung ginawa mo Astrid?" Pagtatanong nito.
"Hindi... Hindi ko alam..." Sabi ko at pinunasan yung mga luhang tumulo galing sa mga mata ko.
