Bakit ba kasi ngayon pa ako naubusan ng stock ng fresh milk eh. Argh. Nakakairita. Oh titingin mo dyan? Gusto mo? Luh. Asa ka. Umalis ka nga. Ugh! Nakakairita. Teka! Bakit ba pati dito ito ang naiisip ko?
Napanood ko kasi yung Tiktok ni Amber. Nakakatuwa lang dahil parang siya yun. Maldita. Kahit maldita yun maganda naman yon 'noh!
Mana sa Ate syempre.
Dapat kasi talaga maramihang Fresh Milk na yung binili ko eh. Medyo tinatamad pa naman ako ngayon mag grocery pero no choice eh. Hindi naman ako nakakatulog sa gabi kapag hindi umiinom ng gatas.
Fresh Milk lang talaga yung ipupunta ko dito pero naagaw ng atensyon ko yung isang balot na M&M kaya eto, gagastos na naman si Inday.
Akala ko ba magtitipid na ako ngayon? Pero hindi bale, sa lunes na lang. Promise totoo na'to.
"G-greta?"
Nabitawan ko yung Fresh Milk na hawak hawak ko ng marinig ko yung boses na tumawag sa pangalan ko. Shit. Hindi ako pwedeng magkamali si Parker to! Wala akong pakielam kung hindi ako makakabili ng Fresh Milk ngayon! Ang mahalaga maka-alis ako sa lugar na'to ngayon na!
"Sa-sandale! Greta!" Sinundan pa din ako nito hanggang sa makatungo kami sa Parking Lot.
Teka, asan ba yung susi ng kotse ko? Bakit ba ngayon ka pa nag tago ha?! Kung kelan kailangan na kailangan kong maka-alis sa lugar na'to oh! Shit naman!
"Sandale! Astrid Greta!" Sabi ni Parker at sa isang iglap nahawakan niya na yung braso ko.
Shit. Paano na'to? Hindi ko alam yung gagawin ko. Hindi ko alam kung paano ako makakaalis dito ngayon din mismo!
Pero mukhang wala na akong paraan para maka-alis dito.
"K-kelan ka pa na-nakabalik?" Nauutal na tanong nito sa akin. Siguro, hindi din siya makapaniwala na nakita niya ako ngayon dito. Sa harapan niya. Mismo.
Hindi ako maka-tingin sa kaniya kaya naka-tingin lang ako sa lapag at hinahawakan yung mga kamay kong nanginginig dahil sa kaba at takot.
Sa kaba, dahil, baka sabihin niya sa Barkada na nakauwi na ako. Takot, dahil, baka magalit ito sa akin dahil nilihim ko sa kaniya at sa Barkada yung pag-uwi ko ng Bansa mahigit dalawang buwan na ang nakaka lipas.
"Ka-kauwi mo lang ba, Greta?" This time, mahinahon na yung boses nito at sinusubukang hawakan yung mga kamay kong nanginginig pero mas pinili kong itago ito sa aking bulsa.
"Okay ka lang ba? Bakit ka nanginginig?" Pagtatanong pa din nito at hinawakan na lamang ang ang balikat.
"A-alis na a-ako." Tama. Kailangan umalis na ako dito. Hindi dapat ako dito manatili ng matagal.
"Sandali Greta! Pwede bang mag-usap muna tayo?" Pagtatanong nito sa akin.
Agad na umiling ako dito, "Hindi. Mauuna na ako." At dali daling muling hinanap yung susi ng sasakyan ko.
Mabuti na lang hindi na ako pinilit pa ni Parker. Mas maayos na din to. Mas madali.
"Parker," Lumingon ako dito at nakita kong namumula na yung mga mata nito dahil sa pag pigil sa kaniyang mga luha na kanina pa gustong bumuhos.
"Wag mong sabihin sa Barkada na naka-uwi na ako." Aniya ko at dali daling binuksan ang sasakyan ng kotse ko.
Sorry, Parker. Sorry. Kailangan kong gawin to. Hindi pa ako handa para makita at sabihin talaga sa inyo yung rason bakit umalis ako ng bansa...