["Sus! Ang sabihin mo makikipag landian ka lang! Gaga ka! Oo nga. Ite-text ko."] Sabi ni Parker sa kabilang linya.
"Dami mong alam! Basta i-text mo ha? Osige na! Bye na!" Sabi ko dito at pinatay na ang tawag.
Hinihingi ko kasi sa kaniya yung cellphone number ni Nicho dahil baka sunduin niya pa ako sa Apartment ko 'e wala ako doon at nandito ako ngayon sa Kapetolyo Coffee Shop in Manila.
Dito kasi namin napag usapan ng Kaibigan ni Ate Blair na dito na mag kita para pag usapan yung sa business na itatayo ko.
Inantay ko lang na i-text sa akin ni Parker yung cellphone number ni Nicho habang umiinom ng Mirabuenno Coffee AVPA.
"Late na ba ako, Maam Astrid? Im sorry." Aniya pagkadating na pagkadating.
"It's okay. Kakadating ko lang din." Sabi ko dito at ngumiti.
"Ito na po yung mga actual photo, Maam. Paki-check na lang po." Sabi niya at iniabot sa akin.
Maayos at maganda yung interior's design at wala na akong masabi dahil sobrang perfect na para sakin.
"Approve, Maam?" Nakangiting pagtatanong sa akin nito.
"Nice." Aniya ko at nag thumbs up.
"Thank you po!" Masayang sabi nito sa akin.
Pinag usapan lang din namin yung mga perang kailangan ko ng ilabas at hindi biro mag tayo ng sarili mong business ha.
"Mauuna na po ako, Maam Astrid. Maraming salamat po." Sabi nito sa akin at nagpaalam na.
"Ingat!" Sabi ko at tumingin na uli sa aking phone kung nai-text na ba sa akin ni Parker yung cellphone number ni Nicho.
Thank God! Mabuti naman at nai-text niya na.
Hi! Astrid to. Nakuha ko yung phone number mo kay Parks. Wag mo na akong sunduin sa Apartment ko. Ako na lang pupunta diyan.
Sent.
Pagka-send ko ng text messages ko dito ay itinago ko na sa bag ko yung phone ko at lumabas na din nitong Coffee Shop.
Nasabi sa akin ni Mama na doon pa din naka tira sa dating bahay nila sila Tita Tanya.
Alasiyete na din ako naka dating dito sa bahay nila at mahigit limang minuto na din akong nandito sa tapat ng kanilang bahay dahil hindi ko alam.
Nahihiya ba ako? Pero hindi eh. Iba yung nararamdaman ko. Parang pakiramdam ko first time ko aapak uli dito sa pamamahay na'to.
Oo. First time na lang, uli't...
"Iha, nandito ka na pala! Welcome!" Masayang sabi sa akin ni Tita Tanya at humalik sa aking pisnge.
"H-hi po Tita." Nahihiyang sambit ko dito at humalik din sa pisnge nito.
"Hindi ka ba sinundo ni Nicho? Naku tala-"
"Ako po yung nag sabing wag niya na akong sunduin Tita. Okay lang po." Sambit ko dito.
"Okay okay. Pasok na tayo. Nandoon sila Ponson." Naka ngiting sabi nito sa akin.
"Ate Astrid!" Masayang sabi sa akin ni Ponson pagkakita na pagkakita nito sa akin.
"Ponsooooonnn!" Sabi ko dito at niyakap ito. Namiss ko si Ponson. Tagal ko din siyang hindi nakasama eh.
"Hi, Astrid." Naka ngiting bati sa akin ni Kuya Wesley at humalik sa pisnge ko.
