Chapter Thirty Seven

24 19 0
                                        

"Sakin."


Agad naman akong napa-tingin sa nag salita.


"Kuya Sy?" Naguguluhang tawag ko sa pangalan nito at ngumiti.


"Yeah. Pwede umupo?" Nakangiting pagtatanong nito sa akin.


Nakangiting tumango naman ako dito bilang sagot at sinenyasan na si Ciella na maari na itong maka-balik sa kaniyang trabaho.


"A-anong ginagawa mo dito, Kuya?" Pagtatanong ko dito.


"Kasama mo ba si Ate Iris at si Baby?" Nakangiting pagtatanong ko dito habang inaantay pa din ito na mag salita.


"Hindi. Ako lang." Aniya at tipid na ngumiti.


May problema ba si Kuya Sy? Nag away ba sila ni Ate Iris?


"May problema ba, Kuya?" Pagtatanong ko dito.


Bahagya naman itong umiling, "Astrid, gusto ko lang mag sorry..." Aniya at umiwas ng tingin sa akin.


Para san?

"Sorry? For what, Kuya?" Naguguluhang tanong ko dito habang diretso pa din ang tingin dito.


"Astrid, i know na sobra mong na mi-miss si Nicho ngayon..." Aniya at diretso ng tumingin sa akin.


Ngumiti ako dito ng malungkot, "Im okay, Kuya. Masaya ako." Pagsisinungaling ko dito habang pinipigilan pa din yung sariling huwag maiyak.


Bakit ba ang iyakin ko? Nakakainis naman eh!


"Kilala kita Astrid. Alam ko kung nagsisinungaling ka o hindi." Sabi ni Kuya Sy.


Hindi lang ako nag salita sa sinabi nito at sinusubukang i-distract yung sarili ko sa pamamagitan ng paglalaro nitong tissue na nasa table.


"Astrid, sorry, kung hindi ko sana kayo pinigilan ni Nicho noon sa pagmamahalan niyo edi sana hindi kayo hahantong sa ganito... Hindi ko mapigilang hindi sisihin yung sarili ko." Sabi nito at hindi na napigilang hawakan ang kamay ko.


"Astrid, sobrang hirap akong titigan ka dahil alam kong ako ang may kasalanan kung bakit ka nasasaktan o nalulungkot ng sobra..." Aniya.


Hindi ko na napigilan yung sarili ko na mapa-luha na naman dahil sa mga sinabi ni Kuya.


Kahit kelan hindi ko sinisi si Kuya sa nangyayari sa akin ngayon, sa nangyayari sa amin ni Nicho...


Kasi choice naman ni Nicho na lokohin ako nung araw na yun, diba? Siguro nga tama lang na pinigilan kami ni Kuya noon dahil alam niyang masyado pa kaming hindi handa para sa ganong bagay.


Oo, nasasaktan at nalulungkot ako pero hanggang doon na lang yon. Alam kong wala na akong ibang pwedeng gawin para matigil iyon.

Kasi, naka marka na...


Ang hirap ng burahin. Sobra. Sobrang hirap.


"It's okay, Kuya. Naiintindihan ko." Sabi ko dito sa mahinang boses dahil hirap akong mag salita dahil sa pag iyak ko.


"Mahal mo pa din ba siya, Astrid?" Pagtatanong nito sa akin.


Mahal ko pa din ba siya? Bakit pa ba yan itinatanong 'e hindi pa ba halata? Hindi naman siguro ako iiyak at masasaktan kung hanggang ngayon si Nicho pa din, diba?


Romance Monster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon