EPILOGUE

43 17 0
                                        

"Ma ayoko nga po! Si Kuya Wes na lang." Naiinis na sabi ko kay Mama dahil pilit na sinasama ako nito para daw mai-pakilala doon sa anak ng kaibigan niya.

"Nicholo! Sige na anak, please?" Pagpapaawa nito at ginamit pa talaga yung cute niyang mukha.

Mabuti na lang cute itong nanay ko pag nagmamakaawa!

Sino ba namang hindi tatamadin kapag ganitong ka-tirik yung araw? Sige nga. Mas pipiliin ko pang mag laro dito online games kesa lumabas.

Wala pa akong bagong kaibigan dito dahil hindi naman ako dito lumaki. Ewan ko ba kay Mama pina-uwi lang ako dito ng mag co-college na ako.

Kamusta na kaya yung mga kaibigan ko don? Nakaka-miss din pala yung mga gagong yon.

"Oo na ma! Sige na. Labas na po. Mag shower lang ako." Naiinis na sabi ko kay Mama at pumasok na sa banyo para maligo.

"Behave Nicholo ha? Anak yon ng Tita Jasmine mo. Umayos ka." Aniya ni Mama sa akin at pinandilatan pa ako nito ng mata.

Tumango lang ako dito at nakita na namin sa di ka-layuan yung anak siguro ng kaibigan ni Mama.

Aaminin ko, noong unang kita ko pa lang sa kaniya natulala ako. Lamang na lamang sa kaniya yung mga naging kalandian ko noon pero parang iba yung dating niya sakin.

Sobrang simple lang ng soot niya pero ang lakas ng dating. Inaya na siya ni Mama na pumasok sa loob ng coffee shop at naiwan kaming dalawa dito sa table dahil si Mama yung nag-presinta na umorder.

Hindi ako maka-tingin sa kaniya dahil natatakot ako na baka mati-tigan ko siya ng matagal.

Maya maya lang din ay napansin kong parang tinitigan ako nitong babaeng ito kaya hindi ko na napigilan yung sarili kong sungitan ito dahil baka hindi ako makapag pigil.

"Wag mo nga akong titigan." Sabi ko sa kaniya at inirapan ito.

Nag-panggap naman itong walang naririnig at itinuon na lang ang paningin sa kaniyang phone.

Naisip kong mag-jogging dahil maaga akong nagising ngayon. Hindi ko namalayang sa sobrang sipag kong mag-jogging naka dating na ako sa ibang kanto.

Hindi bale na nga. Mas maganda to. Mas mapapagod ako. Mas papawisan.

Habang nag jojogging ako sa kasamaang palad may bumunggo sa akin. Hindi ko alam kung sinadya ba o hindi.

"Uhm, Goodmorning Nicho, pasensya ka na hinihingal na kasi ako kaya di ako nakatingin sa daan." Sabi ni Astrid ba yon?

Hindi naman naka-takas sa paningin ko yung katawan nito. Sexy. Pwede na. Grr! Umayos ka nga Nicho. Anak yan ni Tita Jasmine okay?

"Hindi ko kailangan ng sorry mo." Mahina kong sabi at walang ano ano'y umalis sa kaniyang harapan.

Wews. Mahirap ng hindi mag-pigil.

Nandito ako ngayon sa bagong school na papasukan ko. Nandito ako sa gym naka-pwesto dahil sa sobrang daming tao pero hindi ko ineexpect na mas mali yata na dito ako pumwesto.

"Kuya, pa-picture!"

"Hi pogi!"

"Pa-picture po!"

"Picture naman tayo oh."

Hindi ko alam kung saang camera ako haharap sa sobrang daming camera na nasa harapan ko.

Bakit ba kasi pinanganak akong gwapo ni Mama? Hays.

"Uy bro, ano okay ka lang? Nahilo ka ba sa sobrang daming babaeng nagkakagusto sayo?" Pagtatanong sa akin nitong lalaking hindi ko kilala.

Romance Monster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon