"Iho, kamusta si Tanya?" Pagtatanong ni Mama kay Nicho habang kumakain kaming apat sa dinning area.
Yes apat lang, hindi na naki salo pa si Marcus dahil may kikitain pa itong ibang kaibigan bukod sakin.
Si Ate Blair naman ay nasa School pa, mamaya pa uwi non dahil dederetso yon ng Coffee Shop para mag aral.
Nagkaka mabutihan na sila ni Kuya Wesley, at ayos na din si Mama ni Ate. Napag usapan din nila na kapag naging Abogado na si Ate saka nila itutuloy ang kasal.
Masaya ako para sa kanila. Sana mag tuloy tuloy na.
"Ayos naman po Tita busy po palagi sa business." sabi ni Nicho habang kumakain.
Nag kwentuhan lang silang dalawa habang ako ay kumakain lang dahil wala naman akong kinalaman sa pinag uusapan nila.
"Ako na po mag uurong Tita." Pag prepresinta ni Nicho kay Mama.
Umiling naman si Mama "Nako Iho mag pahinga ka na lang muna hayaan mong si Astrid ang mag urong." Sabi ni Mama at tumungo na sa living room para maka nood ng palabas na inaabangan niya.
Sinimulan ko ng mag urong para makapag pahinga na din.
"Boyfriend mo na ba yon?"
Nakakagulat naman tong si Nicho basta basta na lang sumulpot sa tabi ko.
"Sino ba?" Pagtatanong ko dahil wala naman siyang binabanggit na pangalan diba?
Haynako, Nicho.
"Sino pa ba edi si Mario." Ani nito at hinimas himas pa ang kaniyang tiyan dahil sa kabusugan.
Nahawa na din ata to kay Bien eh. Nako, palagi kasi silang magkasama magugulat na lang din ako magka mukha na silang dalawa.
Hindi na siya lugi may itsura naman si Bien.
"Mario? Pfffffft." Hindi ko na napigilang tumawa dahil sa sinabi niya, teka kelan pa ako nagka boyfriend ng pangalan ay Mario?
"Oh tawa tawa ka pa. May pa halik halik pa sa noo. Corny niyo!" Naiinis na sabi ni Nicho.
Ah! Gotcha! Si Marcus yung tinutukoy nitong asungot na'to.
Hmmmm. Unti na lang talaga iisipin kong nag seselos tong si Nicho samin ni Marcus eh.
"Marcus kasi yon hindi Mario!" Sabi ko sa kaniya habang tumatawa pa din, ewan ko ba gusto kong asarin si Nicho.
Maka ganti man lang sa pam bwisit niya sakin diba?
Hindi ako pinansin ni Nicho at nag scroll scroll lang sa phone na hawak hawak niya.
"Bakit selos ka?" Pang aasar ko sa kaniya at tinitignan kung ano yung magiging reaksyon niya.
"Asa!" Sabi naman nito at lumapit sa tabi ko na nag uurong.
"Sus selos ka eh." Patuloy na pang aasar ko at binibigyan siya ng mapang asar na ngiti.
"Hindi nga. Bat ako magseselos? Sandali, tumatawag si Patricia." Sabi nito at nai excuse ang sarili.
Patricia? Sino yon? Bago niya?
Teka, pakeelam ko naman kung sino yon diba? Kung bago siyang babae ni Nicho, well goodluck na lang sa kaniya.
---
Nandito kaming barkada sa aming tambayan para mag pa lipas ng oras.