Chapter Twenty Two

25 19 0
                                    

"Pasok ka Iha, naku nasa kwarto lang si Bright ayaw kumain, ayaw pa istorbo at ayaw din makipag usap kahit sa kapatid niya." Sabi ni Yaya Babeth at pinapasok na ako sa kanilang bahay.

Halos isang linggo na din kasi yung lumipas simula nung aminin ko kay Nicho yung totoong nararamdaman ko at isang linggo na din na hindi nagpaparamdam tong si Bright sa akin.

Malamang Astrid sinaktan mo yung tao so anong ine-expect mo hindi ka lalayuan ng tao? Hays.

Kaya pagkatapos na pagkatapos ng klase namin ay dito na ako dumiretso gusto ngang ihatid pa ako ni Nicho pero sinabi kong huwag na dahil kaya ko naman kaya kahit gusto niya ay wala na siyang nagawa dahil alam naman siguro niyang kailangan kong kausapin at mang hingi ng tawad kay Bright...

"Sige po Yaya Babeth punta na po ako sa kwarto niya." Pagpapaalam ko dito at pumanik na sa kwarto ni Bright.

Kumatok muna ako dito bago ko binuksan yung pintuan nito.

"B-bright p-pwede ba tayo mag u-usap?" Hindi ko alam bakit natatakot ako sa aura ngayon ni Bright.

Tumango lang ito bilang sagot at umupo na ako sa couch ng kaniyang room at tinignan siya na ngayon ay naka tingin lang sa bintana ng kwarto niya.

No one dared to talk for almost two solid minutes.

Hindi ko na din naman natiis yung katahimikan na nabubuo kaya naman sinubukan kong ibuka yung mga bibig ko,

"Bright sorry.. Sorry talaga Bright. Pero kasi Bright.. Si Nicho yung gusto ko. Gusto ko siya Bright. Sorry." Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako habang humihingi ng tawad dito.

Na gu-guilty ako kasi nakilala pa ako ni Bright... Sana kung hindi niya na lang ako nakilala sana hindi siya ganito ngayon, hindi siya malungkot, hindi niya tinatanong yung sarili niya kung anong kulang sa kaniya bakit hindi siya yung pinili ko, nagu-guilty ako.

"Sorry.." Ulit na sabi ko dito at tinakpan yung bibig ko para mapigilan yung sarili kong makagawa ng ingay dahil sa pag iyak ko.

Naramdaman ko namang may mga kamay na nakayapos sa balikat ko at nakita kong malungkot na naka ngiti sa gawi ko si Bright.

"It's alright Astrid. Wag ka ng mag sorry ha? Magiging okay din ako. Trust me. Hindi sa ngayon, hindi sa bukas, hindi sa mga susunod na araw.. Pero believe me baby, soon. Magiging okay din ako." Aniya habang hinahaplos yung likod ko para patahanin ako.

Hindi ko alam pero mas lalo lang ako naiyak sa mga sinabi ni Bright. Grabe, ganito ba talaga siya ka-bait? Yung tipong siya na tong nasasaktan pero parang ako pa yung mas wasak sa aming dalawa dahil siya pa itong nagpapakalma sa akin.

Sigurado ako na may mas makikilalang tamang babae si Bright. Tamang babae na babagay sa kaniya. Yung deserved niya. At syempre, yung deserved din siya.

"Im so sorry Bright." Ani ko dito at niyakap lang siya.

"Its okay. Pag niloko ka ni Nicho wag kang magdadalawang isip na bumalik sa akin hmm?" Aniya.

Natawa naman ako sinabi nito kaya ayun maging siya ay natawa din sa sinabi niya. Alam ko namang hindi ako magagawang lokohin ni Nicho.

"Loko ka talaga." Sabi ko na lang dito at pinunasan na lang yung luha na tumutulo galing sa mga mata ko.

Naalala ko pa noon yung sinabi ko nung nasa Tagaytay kami sa Rest House nila Amanda, sinabi ko pa noon na hindi muna ako papasok sa isang relasyon hangga't hindi pa ako nakakapagtapos pero mukhang makakain ko na ata yung mga sinabi ko noon dahil ayokong pumayag na hanggang M. U. lang kami ni Nicho.

Romance Monster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon