Nandito na kami ngayon sa Condo ni Parks kasama si Bright at syempre kasama din yung Kelly Sisiw na yon.
Hindi ko nga alam bakit hindi nito isinama yung boyfriend niya, pero ano bang pakielam ko kung hindi niya isama right?
"Okay ka lang?" Pagtatanong sa akin ni Parks habang pinagbubuksan na naman ako ng panibagong San Mig.
Mabuti na lang bumili si Parker nito dahil ayoko magpakalasing ngayon dahil mamaya may magawa na naman akong hindi maganda.
Ganon daw kasi ako eh, lalo na kapag nalalasing nawawala sa sarili. Well, halos karamihan naman ng tao ganon diba?
"Ate Kelly, bakit hindi mo sinama yung boylet mo?" Pagtatanong ni Khal dito kay Sisiw.
"He's busy eh." Ani nito sa maarteng boses, nakaka gigil talaga! Ako lang ba yung naiirita dito sa babaeng to?
"Hmmm. Oh cheers!" Sabi ni Bien at nag cheers nga sila.
Hindi kami masyadong nakiki sali ni Parker dahil binabantayan namin yung mga magiging kilos nitong mga ito.
Si Bright, ayun katabi nila Khal habang si Nicho naman ay katabi ni Donny.
Hindi talaga sila pwedeng magtabi na dalawa dahil baka mamaya magulat na lang kaming lahat nagbubug-bugan natong dalawa na'to.
Mabuti na nga lang inaya ako ni Parker na sa kaniya tumabi dahil baka mamaya matapos na lahat lahat tong inuman na'to ay hindi pa ako nakakapili ng tatabihan sa dalawang yon.
"I love Amanda! Yeah, love ko siya. Sobra! Hikhik." Ani nitong si Bien, jusko lasing na si Gago.
"Eh Bro may bagong boyfriend na don si Amanda." Pang aasar naman sa kaniya ni Donny.
Si Bright tahimik lang na nakikinig sa mga usapan nila habang si Kelly naman ay naka tulog na sa sobrang kala-singan.
Kaya kahit labag sa loob kong tulungan si Parker ilipat yung ate niya sa guest room ay ginawa ko dahil walang katulong si Parks maliban sakin.
Hindi naman pwedeng sa mga boys kami magpatulong dahil halos gumewang gewang na'tong mga ito.
Ayun si Nicho, namumula na at nag eenglish na din dahil sa tama ng alcohol sa kaniya.
"No! Hindi pwede, tol. Papakasalan ko pa yung Papa niya!" Ani ni Bien na halos magwala na, mabuti na lang naagapan agad siya nitong sila Donny.
"Tol, si Tito yung type mo? Tol hindi pwede yon tsong, okiesh?" Sabat nitong si Nicho na mukha ng kamatis dahil sa pagka-mula.
Pinapakinggan lang namin sila ni Parks at minsan ay sabay na tatawa dahil sa mga pinagsasabi nitong mga gunggong na'to.
"Bat mag isa ka?" Pagtatanong sa akin ni Bien at umupo ito sa tabi ko.
Nandito kasi ako ngayon sa Bench. Hindi ko alam bakit gusto kong mapag isa muna sa ngayon kaya hindi ko muna hinayaan na lapitan ako ni Bright o ni Nicho man lang.
Ayoko kasing pahirapan silang dalawa habang tuma-tagal. Ayoko namang paasahin yung isa sa kanila kaya heto, pinag iisipan ko maigi kung sino ba talaga yung gusto ko sa kanila...
Ang hirap naman nito. Mas mahirap pa sa mga question na related sa School, parang mas gugustuhin ko pa yatang mag sagot ng mag sagot ng mga Question na related sa School kesa mag desisyon kung sino talaga yung pipiliin ko.
