"Che-chelsey?"
Teka, anong ginagawa niya dito?
"Can we talk, Astrid?" Pagtatanong nito sa akin.
Naguguluhan ma'y tumango ako dito at sinundan lang siya hanggang dalhin ako ng sarili kong paa dito sa coffee shop kung saan ko unang nakita si Ponson.
Speaking of Ponson... Kamusta na kaya siya? Miss na miss ko na siya.
"Astrid..." Paninimula ni Chelsey at hinawakan yung kamay ko.
Naka tingin lang ako sa kaniya at inaantay ang kaniyang susunod na sasabihin.
Hindi ko alam kung ano yung mararamdaman ko ngayon. Galit ako sa kaniya, oo. Pero hindi na ngayon.
Siguro, nagalit lang ako sa kaniya noon.
"Im sorry..." Aniya at hindi naka-takas sa paningin ko yung pag tulo ng luha nito mula sa kaniyang mata.
"Para saan, Chelsey?" Naguguluhang pag tatanong ko sa kaniya.
"Karapatan mong malaman yung totoo, Astrid." Aniya habang hinahayaan lang na tumulo ang mga luha.
Totoo? Anong totoo? Nag simula na akong kabahan dahil pakiramdam ko ay hindi ito maganda...
Sobrang lakas ng kalabog ng puso ko pero kahit ganon ay hindi ko ito inalantana at itinanong uli't siya.
"A-anong k-kailangan kong m-malaman Chelsey?" Pagtatanong ko sa kaniya.
"Im sorry..." Hindi na nito napigilan ang sarili at napa-takip na siya sa kaniyang mukha gamit ang kaniyang mga palad.
Mabuti na lang at halos kami lang ang customer dito sa coffee shop na ito kung hindi baka isipin pa ng makakakita sa amin ay pinapaiyak ko si Chelsey.
"Astrid, hin-hindi to-totoo..." Putol putol na sabi nito.
Hinawakan ko yung kamay nito at sinubukan itong pakalmahin dahil anytime mahihimatay na ito sa kakaiyak niya.
"Kalma. Chelsey, tumingin ka sakin." Aniya ko at pilit na inihaharap sa akin ang kaniyang mukha na umiiyak.
"Astrid, im sorry... Hindi totoo na nabuntis ako ni Nicho... Hindi. Walang nangyari sa aming dalawa, Astrid... Wala." Aniya habang umiiyak.
Hindi agad ako nakapag salita dahil sa sinabi niya.
All this time, yun yung akala ko... Yun yung iniisip ko. Pero, putangina! Putangina talaga...
Gusto kong magalit sa kaniya. Gusto ko siyang saktan ngayon. Ngayon mismo sa harapan ko, pero hindi ko magawa kasi nanghihina ako...
Ilang taon yung nasayang... Edi sana kung noon sinabi niya na yung totoo edi sana hindi na kami hahantong pa ni Nicho sa ganito.
Muli ko na namang naalala si Nicho. Kung ilang beses nitong sabihin sa akin yung totoo... Pero, pero, ako itong ayaw makinig. Ayaw siyang pakinggan...
Hindi ko namamalayang umiiyak na din pala ako dahil sa mga sinabi ni Chelsey... Hindi ko alam. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
"A-astrid im really sorry..." Aniya ni Chelsey.
"It's okay. Okay lang..."
Yeah. Pinatawad ko lang siya ng ganon ganon. Ano pa bang mangyayari kung hindi ko siya papatawadin, diba? Wala na naman si Nicho... Wala na siya sa akin. Hindi ko alam kung nasan siya...
