"Bakit ka pa kasi aalis ha, Greta? Bumalik na nga si Amanda pero ikaw naman tong susunod na aalis!" Pagmamaktol nitong si Parker habang nandito kami sa tambayan ng Barkada.
Kumpleto kaming lahat dito except Nicho. Palagi akong ina-update ni Tita Tanya tungkol kay Nicho kahit na ayoko ng malaman pa dahil gusto ko na siyang kalimutan.
Hindi na din madalas pumapasok si Nicho nitong mga nakaraang araw dahil palagi daw itong naka kulong lang sa kaniyang kwarto.
"Wag ka ng umalis, Astrid." Ani ni Amanda at hindi na napigilan ang sarili na yakapin ako.
Oo, Amanda. Hindi na ako aalis. Dito na lang ako sa tabi niyo. Gusto kong sabihin sa kaniya yan pero hindi pwede. Sabi ko sa sarili ko, hindi ako makakalimot kung mananatili ako dito. Kaya ayun kahit mahirap para sa sarili ko mang-iwan ng mga taong nasa paligid ko kailangan kong gawin kasi ito yung nakikita kong paraan para hindi na ako masaktan pa.
"Mag iingat ka don ha? Palagi kang mag-text at palagi din tayong mag skype!" Sabi ni Parker at sumalo na din sa aming yakapan porsyon ni Amanda.
"Oh ano? Titingin lang kayo dyan?!" Pagtatanong sa kanila ni Amanda.
Ewan ko ba dito sa tatlong lalaki na'to kung bakit tahimik lang yung mga ito eh. Naku! Siguro, naiisip nila wala na silang aasarin palagi.
"Mamimiss ka namin, Astrid." Ani ni Bien at niyakap ako.
"Mas mamimiss ko kayo. Mag iingat kayo palagi dito ha? Ikaw, Bien! Mag tino ka na para maka graduate ka! Ikaw naman, Donny, wag mong lolokohin tong kaibigan ko ha? Uuwi talaga ako ng Pilipinas kapag niloko mo'to! Khal, wag mo ng sisihin yung sarili mo ha? Hindi mo kasalanan lahat ng ito." Sabi ko sa tatlong lalaking ito na nakasama ko sa kasiyahan at sa kaga-guhan at the same time.
"Amanda, mag iingat ka ha? Magpataba ka! Kumain ka sa tamang oras. Amp. Parks, wag mo ng palaging aawayin tong si Donny ha? Pag ayan pinagpalit ka, sige ka. De biro lang. Basta guys, palagi tayong mag Skype okay?" Aniya ko at niyakap yung dalawang girlfriends ko!
"Group Hug!" Ani ni Donny at ayun ito na yung huli na mayayakap ko'tong mga kutong lupa na'to.
Sinigurado kong hindi sila makakahinga sa mga bawat yakap na ibinibigay ko sa kanila dahil alam kong matatagalan pa bago ko uli't sila mayakap ng ganito.
Sinabi ko sa kanila na huwag na nila ako ihatid sa Airport dahil ayokong makitang umiiyak sila dahil sa pag alis ko...
Pagkatapos namin mag last bonding ng Barkada ay dumiretso na ako sa Coffee Shop kung saan madalas kami mag review ni Bright, noon.
Hindi ko sinabi kay Nicho na aalis ako. Hindi ko sinabi sa kaniya na iiwan ko na talaga siya ng tuluyan. Sila Tita Tanya at Kuya Wesley lang yung nakakaalam ng pagpunta ko sa States. Ayokong ipasabi kay Nicho dahil merong chance na pwede niya akong sundan doon. Kilala ko si Nicho.
Yung gabing umuwi ako galing kela Nicho ay dumiretso ako kung nasan naka stay-in si Papa at sinabing pumapayag na ako na ipadala doon sa States. Tinanong pa ako ni Papa kung ano daw ba yung nangyari kung bakit gusto kong biglaan yung pagalis pero sinabi ko dito na gusto kong mabigyan ng magandang buhay si Mama at yung sarili ko.
Hindi na ako pinigilan pa nila Mama ng malaman nila na pupunta na ako sa States dahil alam niya na mas nakakabuti sa akin kung doon muna ako. Oo mahirap kasi mag-isa lang ako doon at mangangapa ngapa pa ako dahil maninibago pero masasanay din naman ako don kaya ayos lang.
"Kanina ka pa? Sorry hinatid ko pa kasi si Arianna." Sabi ni Bright at umupo na sa upuan.
Nag-text kasi ako sa kaniya na kung pwede ay magkita kami dito sa Coffee Shop kung saan kami madalas noon.
