"Greta? Kuya Pats? Nicho?"
Napatingin ako sa tumawag sa pangalan naming tatlo.
"Parks?" Naguguluhan tawag ko sa kaniyang pangalan dahil hindi ko inaasahan na nandito din siya sa Mall.
Ang sabi kasi niya ay masama yung pakiramdam niya kaya hindi niya ako masasamahan.
"Teka akala ko ba-" Hindi ko na tapos yung sasabihin ko dahil agad niya akong pinutol sa aking gustong sabihin.
"Sandali Greta! Teka, bakit kasama niyo si Kuya Pats?" Pagtatanong nito at tumingin pa ng nagtataka kay Patrick at sakin pati na din kay Nicho ni Patricia.
"Ah e basta! Mamaya ko na ipapaliwanag." Ani ko naman sa kaniya.
"Mauuna na kami." Sabi ni Nicho at hinila si Patricia para maka alis sa tabi namin.
Nagkatinginan naman kami nila Parker at Patrick dahil sa ginawa ni Nicho.
Tinignan ko na lang silang dalawa na malayo na sa amin at tumingin kay Parker na naguguluhan pa din.
"Gaga ka talaga kahit kelan kanina pa ako nag aantay di-"
Automatic kaming napalingon sa nagsalita at gayon na lang ang gulat sa aking mukha ng makita ko kung sino yung nagsalita.
Teka. Sandali. Wait.
Akala ko ba ay nasa New York siya? Bakit heto siya ngayon na naka tayo sa harapan naming tatlo.
"A-amanda?" Pag tatawag ko sa pangalan niya at bakas pa din sa aking mukha yung pag tataka.
"Okay okay. I think i should leave." Ani ni Patrick at umalis na.
Tinignan ko naman si Amanda ni Parker na hindi maka tingin sa akin dahil todo iwas yung mga mata nila sakin.
"A-ano nangyari akala ko ba nasa New York ka?" Pagtatanong ko kay Amanda.
"Hays! Let me explain, girl." Ani nito at humawak pa sa kaniyang sentido.
"Last week pa ako umuwi dito for vacation. Last week din alam na ni Parks yon pero pinigilan ko siya sabihin sayo, sa inyo.." Ani nito at kinurot pa sa tagiliran si Parker.
Napangiwi naman si Parker sa sakit at hinimas himas ang kaniyang tagiliran dahil sa sakit.
"P-pero bakit?" Naguguluhang pagtatanong ko dito.
"Surprise alam mo na!" Ani nito at napa irap pa sa kawalan.
"Gaga ka ang dami mong alam!" At sinabunutan ko siya dahil sa pagkainis sa kaniya.
Nakakainis siya legit. Last week pa pala siya nandito, edi sana last week pa kami nakapag bonding.
"A-aray naman Astrid eh!" Pagrereklamo nito at inayos ang kaniyang buhok na nagulo dahil sa pagsabunot na ginawa ko.
"Namiss kita!" Naiinis na sabi ko at niyakap siya ng mahigpit.
Sumali naman sa yakap namin si Parker at nag tawanan kaming tatlo.
Namiss ko talaga tong si Amanda.
"Shopping!" Ani naman ni Parker at pinalakpak pa ang kaniyang mga kamay na parang isang bata na bibigyan ng candy.
"Gaga after exam na!" Sabi ko naman dito.
"Oo nga girls." Ani naman nitong si Amanda at niyaya na lang kami na kumain sa KFC.
