"Shit... Parker?!"
"Omyghod! Ano 'to? Pt? PT?!"
Nalipat yung tingin ko sa kamay ni Amanda na may hawak na Pregnancy Test ngayon na may two red lines...
Shit. Kay Parks ba ito? Buntis siya?
"Sis! Congratulations!" Masayang sabi ni Amanda dito at niyakap ito.
Pero bakas sa mukha ni Parker na hindi ito masaya sa naging resulta.
"Parker, okay ba sayo 'to?" Mahinahong pagtatanong ko dito at hinawakan ang dalawang balikat nito.
"Hindi... Hindi ko alam..." Ani nito at nagsimula na namang tumulo ang mga luha.
"Parks, anong mali? Nasa tamang edad ka na. Nasa tamang guy. May maayos kayong work ni Donny." Pagtatanong ni Amanda dito.
Tama. Nasa tamang edad na silang dalawa ni Donny para bumuo ng Pamilya. Pero, bakit parang hindi siya masaya na magkaka baby na sila?
"Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ni Donny..." Sabi ni Parks at ikinulong uli ang sarili sa kaniyang mga palad.
"Duh! Syempre magpapainom sa sobrang tuwa!" Sabi naman nitong si Amanda.
"Amanda!" Sabi ko dito at bakas sa boses ko yung pagka-inis dito.
"Fine fine!" Aniya at nai-zipper pa yung bibig niya.
"Parks, syempre matutuwa si Donny kasi baby niyo yan, tama ba?" Mahinahong sabi ko dito.
"Y-yes. But, im s-scared na hindi ako panagutan ni Donny at tumakas na lang siya at iwanan ako, kami, kami ng baby ko..." Aniya at umiyak na naman.
Bakit ba ganito tayong mga babae? Bakit ba palagi nating pinapangunahan yung mangyayari?
"Kung hindi ka papanagutan ni Donny, you have me, nandito kami ng Barkada. Hmm?" Pagpapakalma ko dito.
"Truth!" Sabi naman ni Amanda at niyakap si Parker.
Nag stay lang kami ng isa pang oras don ni Amanda bago namin napag pasyahang umuwi na sa sari sarili naming tinutuluyan.
"Babae o Lalaki?" Pag tatanong sa akin ni Nicho pagkapasok na pagkapasok ko dito sa loob ng sasakyan niya.
Alam na niya agad? Eh wala nga siya doon sa Unit ni Parks ng makita namin yung PT.
"Sinabi ni Amanda sa groupchat." Aniya at sinimulan ng buhayin ang makina ng sasakyan.
Dali dali ko namang nai-check yung groupchat at hindi nga nagsisinungaling si Nicho dahil sinabi talaga ni Amanda.
a.amanda: buntis si parks! im so excited maging ninang! donny, congrats. yay!
Ang gaga talaga! Ay nako. Bahala na nga.
Napansin ko namang hindi ito yung daan papunta sa Apartment na tinutuluyan ko dahil first of all hindi nga pala alam nito yung Apartment ko. Okay okay, medyo napahiya ako doon ah.
Ipinikit ko lang yung mga mata ko para makapag pahinga dahil masyado akong napagod sa buong araw na'to.
"Nandito na tayo."
Nagising ako ng tapikin ni Nicho yung balikat ko. Ilang minuto ba akong naka-tulog?
Nandito? Alam niya yung Apartment ko?