Chapter Ten

47 29 0
                                        

"Punyeta ka talaga Nicho anak ka ni Satanas! Ang sama sama mo!" Naiinis na sambit ko kay Nicho at pinag sasabunutan ko yung buhok niya.

"A-aray Astrid. Teka! Aray." Sabi ni Nicho at pilit na inaalis yung kamay ko sa buhok niya.

"Nakakainis ka talaga! Kakalbuhin kita!" At mas lalo kong sinabunutan si Nicho.

"Aray Astrid, aray sabi eh. Tumigil ka na!" Naiinis na pagpapatigil ni Nicho sakin at pilit na inaalis yung mga kamay ko sa buhok niya.

Tok. Tok. Tok.

Napabitaw naman ako sa buhok ni Nicho at tumingin kay Donny na binuksan yung pintuan.

"Ang sakit sa anit. Hayop." Sabi ni Nicho at hinihimas yung ulo niya.

"K-kuya, kelan ka pa bumalik?"

Napalingon naman ako kay Donny at tinignan yung taong nasa harapan ng pintuan.

Kuya? May Kuya ba si Donny? Pero wala akong nakikitang Kuya niya kapag tumatambay kami ng barkada sa bahay nila.

At isa pa hindi na kwento samin ni Donny na may kapatid pala siya.

"Minsan lang ako umuwi Donny pero eto pa talaga yung maabutan ko?" Sabi ng Kuya ni Donny na hindi niya masyadong kamukha.

Siguro ang kamukha ng Kuya ni Donny ay si Tita, mama ni Donny si Donny kasi hawig na hawig ni Tito.

Napatahimik naman kaming lahat at nakatingin lang kay Donny na hindi alam ang sasabihin.

"Sumunod ka sa kwarto ko." Huling sabi ng Kuya nito at umalis na.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng wala na yung Kuya ni Donny, nakakatakot naman yun.

Parang Tatay naman to kung magsalita.

"Saglit." Ani ni Donny at lumabas ng kwarto niya para sundan siguro yung Kuya niya.

"Ang sungit naman non." Sabi ni Khal at umupo na sa Sofa para makapag relax.

"Kinabahan ako don ah mga bente." Ani ni Bien at humawak pa sa dibdib niya para halatang kinabahan talaga siya.

Ang loko talaga. Tsk.

Tinignan ko naman si Nicho na naka kunot yung noo dahil siguro sa sakit ng anit niya.

Bigla tuloy akong naguilty sa ginawa ko, hays.

Lumapit naman ako sa kaniya at tinawag siya.

"Oh?" Masungit na sabi nito at patuloy pa din sa pag himas ng kanyang ulo.

Masakit ba talaga ako manabunot?

"Sorry na. Ikaw kasi eh." Panghihingi ko ng pasensya sa kaniya.

"Ikaw lang yung nakilala kong nag so-sorry na naninisi pa. Tsk." Sabi ni Nicho.

Ang arte naman nitong lalaking to! Nang hihingi na nga ako ng sorry eh kung ayaw niya hindi huwag.

Pero syempre joke lang.

Kasalanan ko naman kasi talaga bakit sumasakit yung ulo niya sana ol kasi may ulo diba?

Ulo kasi sa taas. Iba naiisip niyo eh, amp.

"Sorry na nga kasi." Sabi ko at umupo sa tabi niya para makausap ko siya ng mas maayos.

"San ba masakit?" Pagtatanong ko kahit na alam ko naman kung saan.

Romance Monster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon