Chapter Nine

45 31 0
                                        

"Anak, astrid. Nicho?"


Bumalik naman ako sa wisyo ng marinig ko yung boses ni Mama.


Shet. Nakita pa kami ni Mama na ganon yung pwesto. Nicho naman kasi eh.


"Ma-ma." Nauutal na sabi ko at pinunasan yung pawis sa aking noo.


Hindi muna nagsalita si Mama at naka titig lang sa amin ni Nicho, nag bayad na ako sa counter at umalis sa pila.


Nakakahiya. Ang daming nakakita, tsk.


Bakit kasi tinawag pa ako ni Nicho, at bakit pa din kasi ako lumingon? Jusmiyo marimar naman oh.


"Umuwi na tayo." Sabi ni Mama at nauna na sila ni Amber na lumabas ng botique.


Humarap naman ako kay Nicho na halatang kinakabahan, "Tawag pa more." Pang aasar ko at tinalikuran na siya.


"Lingon pa more!" Pang aasar din sakin ni Nicho, bigla ko naman naramdaman na namula yung pisnge ko dahil sa sinabi ni Nicho.


Mabuti na lang naka talikod ako sa kanya at hindi niya nakita, kung hindi aasarin pa ako lalo nun.


Lakas pa naman ng amats nung abnormal na yon.


"Ano yon, Astrid ha? Bakit ang lapit ng mukha niyo ni Nicho sa isa't isa?" Pagtatanong ni Mama habang nagmamaneho pauwi.


"W-wala ma. Tinawag niya po kasi ako, hindi ko alam na naka lapit na po pala yung mukha niya." Nahihiyang sabi ko kay Mama at nag phone na lang.


"Naku Astrid." Yan na lang yung sinabi ni Mama at hindi na nagsalita pa.


Si Amber nakatulog na dahil gabi na din at siguro sa kabusugan.


---

"Bien, tumulong ka naman dito. Tangina naman, lamon ka ng lamon eh." Nagrereklamo na sabi ni Donny habang inaayos namin yung surprise para sa birthday ni Parks kinabukasan.


"Nicho kasi e nagdala ng pagkain. Tsk." Sabi naman nitong si Bien, at tinakpan na yung pizza na kanina ay nilalamutak niya.


Binato naman siya ng glue ni Nicho, "Gago ka. Ilugar mo yang bituka mo ulol." Sabi naman ni Nicho.


Mabilis naman na umilag si Bien, "Bituka, Caloocan" ani ni Bien at tumawa naman kami sa kalokohan nito.


"Hep hep! Mamaya na yan, idikit niyo muna to doon." Sabi ko at ibinigay sa kanila yung letter na balloons.


Sumunod naman sila at wala ng reklamo pa. Aba mabuti naman, kapag nagreklamo sila papalunukin ko sila ng tape noh.


"So Astrid, libangin mo lang bukas si Parks tapos mag tetext si Nicho sayo kapag pwede na kayo pumunta dito." Sabi ni Donny sakin na kanina pa napressure dahil kinakabahan siya sa magiging reaksyon ni Parker.

"Copy, sir." Sabi ko naman at kumuha muna ng maiinom dahil kanina ko pa gusto mabasa yung lalamunan ko.


Nakaka uhaw kaya, grrrrrrr.


"Bobo hindi pantay, obloks" narinig ko na sabi ni Khal kela Nicho at Bien na nagdidikit sa wall ng letter na balloons.


"Ano pre pantay na ba?" Pagtatanong naman ni Nicho.


"Lolo mo pantay" pang babara naman sa kanya ng katabi niyang si Bien.


Binatukan naman siya ni Nicho at natawa naman kami dahil sa kakulitan nitong dalawang to.


Romance Monster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon