Nasan na ba kasi yung si Marcus oh! Kailangan ko siya mahanap ngayon dahil magpapaalam ako sa kaniya.
Bakit kailangan ko pang magpaalam? Well, sa kaniya lang naman ako ipinagkatiwala ng kaniyang Tito Richmond.
Ayos 'e. Boss ko Bestfriend ko. Maganda naman maging Boss itong si Marcus. Kapag usapang Work ay Work talaga. Walang kaibigan kaibigan.
Kanina pa ako pa-ikot ikot dito sa 12th floor! Mygash! Napapagod na'ko ah. Kailangan ko pang mag ayos mamaya.
Saan ba naman kasi ng mundo pumupunta yung taong yon? Hindi ba siya aware na madaming may naghahanap sa kaniya ngayon? Kung wala lang talaga kami ngayon sa Opisina nabatukan ko na yon eh!
Nakakahiya naman kasing utusan yung Secretary niyang si Judy dahil busy ito sa kaka-photo copy. Gusto ko nga siyang tulungan sana pero dahil may kailangan akong sabihin o ipaalam kay Marcus ay hindi ko na ito natulungan pa.
Si Judy lang yung naging Kaibigan ko dito bukod kay Marcus. Masasabi ko kasing sobrang bait na tao nito. Sobrang hinhin na akala mo ay isang Anghel na bumaba sa lupa.
Ano ba yan! Ang daldal ko! Di bale, makapag Coffee nga muna. Hindi ko ba alam bakit these fast few days ay ginagawa ko ng tubig yung Kape.
Nagsisimula na din akong tumingin sa internet ng mga pwedeng ipangalan sa magiging Coffee Shop ko. Kailangan ko pang mag-ipon ng mag-ipon. Tipid tipid muna, Self.
Nasabi ko kay Parker na wag muna niyang sabihin sa Barkada na nagkita na kaming dalawa. At nakakatuwa, dahil pumayag ito. Basta daw, hangga't maaga ay makipag-kita na ako sa Barkada.
Tama naman siya. Ayoko naman habang buhay mag tago noh! Gusto ko pang batukan yong si Bien. Amp. De biro lang.
"Ano pong order nila, Madam?" Ani nitong lalaking mukhang naka-lunok ng salitang 'Smile' dahil halos mapunit na yung bibig nito kaka-ngite niya.
Haynako, Kuya. Pati tuloy ako nahahawa diyan sa mga ngiti mo!
"As usual. Black Coffee, again." Sabi ko dito at ibinigay sa kaniya yung card ko.
Parang hindi pa nasanay itong lalaki na ito sa akin. Eh puro Black Coffee lang naman yung paulit uli't na inoorder ko.
"Mamaya na Ponson. Nag wo-work pa si Tito oh. Look." Sabi ni Kuya.
"Ha?" Naguguluhang tanong ko dito dahil nagsasalita ito magisa. Baliw na ba ito? O may nakikita lang ito na hindi ko nakikita?
"Ay Madam sorry po! Ito po kasing pinapa-Ponson!"
"Hi!" Pagbati sa akin ng isang batang lalaki.
Parang namumukaan ko yung mukha niya. Parang nakita ko na siya. Agad kong tinignan yung mata nito at! Tama! Ito yung batang lalaki na nasa post ni Parker sa Instagram niya.
Brown Eyes. Ang haba ng pilik-mata. Mapupulang labi. Matangos na ilong.
"Im Ponson! You?" Pagtatanong nito sa pangalan ko habang naguguluhang nakatingin sa akin.
Hindi ako pwedeng magkamali. Ito yung anak ni Nicho at Chelsey...
"H-hi, Ponson. Im Ate Astrid!" Pagpapakilala ko dito at kinurot ng pa-simple yung pisnge nitong sobrang umbok.
"Let's play, Ate Astrid!" Ani nito at hinawakan pa yung kamay ko at hinila ako palabas nitong Coffee Shop sa loob ng Octavious Company.
BINABASA MO ANG
Romance Monster (COMPLETED)
Fiksi PenggemarThis story is all about to Nicho and Astrid.
