"Okay Class! Attention please." Ani ni Sir Ramos sa amin dahil baka may mahalaga itong sasabihin.
Tumahimik naman yung klase at nag antay lang sa kaniyang gustong sabihin.
"May bago kayong Classmate. Iha, come in." Ani ni Sir.
Tumingin naman kaming lahat sa pintuan at inaabangan yung pag pasok nung bago naming kaklase.
"Hi! My name is Patricia Dizon." Pagpapakilala niya sa aming lahat at ngumiti pa ng matamis.
Totoo nga yung sinabi ni Khal na mag tra-transfer na sa University namin itong si Patricia.
Pina upo naman na ni Sir Ramos si Patricia sa tabi namin ni Parker na nasa bandang likuran.
"Hi!" Ani ni Patricia at nakipag beso pa ito samin ni Parks.
Ay, feeling close ka teh?
Pero hayaan ko na nga mukhang mabait naman itong si Patricia, naku siguruduhin niya lang kung hindi mapipitik ko siya sa leeg.
"H-hi." Ani ko at ngumiti sa kaniya.
Naka tingin lang sa kaniya si Parker at ngumiti ng peke kilala ko itong kaibigan ko kung totoo ba yung pag ngiti niya o hindi.
Nag open na ng pani bagong lesson si Sir Ramos at nakinig na kaming lahat sa kaniya.
"Uy Pat!" Ani ni Khal at niyakap pa si Patricia ng natapos na mag klase si Sir Ramos.
"Khalil!" Ani nito at yumakap din pabalik kay Khal.
Siguro matagal na silang magkakilala. Halata naman noh sa kilos pa lang at sa pag tawag sa pangalan eh.
"Btw san si Nicho?" Pagtatanong nitong si Patrcia habang papunta kami sa Cafeteria.
"Susunod daw." Ani ni Khal na naka akbay kay Patricia.
Kami lang apat yung papunta sa Cafeteria ngayon, ako, si Parker, si Khal at si Patricia.
Pina iwan kasi si Donny ni Bien dahil hindi naka sagot kanina sa recitation ni Sir Ramos.
Si Nicho naman susunod daw.
Ewan ko don kung bakit, bahala siya sa buhay niya noh malaki na siya.
"Khal, cr lang ako ha? Uy Girls, cr lang me." Pagpapaalam ni Patricia.
Ngumiti lang ako sa kaniya at tumango bilang sagot. Si Parker naman ay tila nag bingi bingi-han dahil hindi man lang niya ito binigyan ng tingin.
"Teka, alam mo ba kung saan?" Pag tatanong naman ni Khal na mukhang gusto pa atang samahan si Patricia sa comfort room.
"Mag ta-tanong tanong na lang ako. Don't worry about me, Khal." Ani ni Patricia at kumindat pa ito kay Khal.
Napa ngiwi naman itong katabi ko na tila nandidiri sa ginawang pag kindat ni Patricia.
Ayaw ba ni Parker kay Patricia? Mabait naman ito ah, well hindi ko pa masasabi na 'mabait' talaga dahil hindi ko pa ito nakaka sama ng matagal.
Napa iling na lang ako inaya na siya pumili ng pwedeng kainin ngayon. Nagpa iwan naman si Khal dahil sabay na daw sila nila Nicho.
"Bwisit talaga yung matandang panot na yon eh." Reklamo nitong si Bien.