"Bye Astrid! Send mo sakin yung reviewer ha? Ingat. Text ka pag naka uwe ka na!" Ani ni Parker at nagpaalam na kami sa isa't isa.
Hanggang two pm lang kami ngayon dahil may meeting lahat ng teacher's sa university kaya pina uwi na kami ng maaga.
Exam na pala namin next week kaya kailangan gugulin ko yung oras ko sa pagbabasa at pag mememorize ng mga formula.
Eto ako naka tambay sa Milktea Shop kung saan kami kumain ni Bright. Hindi kasi ako mahahatid sa bahay ni Nicho dahil pinatawag sila agad ng Coach nila.
Si Bright naman hanggang ngayon walang paramdam. Nag aalala nga din ako sa isang yon dahil hindi siya pumasok ngayon at hindi pa nag rereply sa mga texts and chats ko sa kaniya.
Umorder lang ako ng Red Velvet at umupo na uli sa pang dalawahan dahil wala din naman akong kasama kaya lonely ako ngayon dito samantalang yung ibang students ay masayang nakikipag kwentuhan sa kanilang mga kapwa estudyante.
Napansin ko namang parami ng parami yung mga students na pumupunta kaya kahit gustuhin ko mang tumambay muna dito ay binilisan ko na ang pag inom sa Red Velvet milktea ko kahit hindi ko ma enjoy ito.
"Hindi ba nag te-text sa inyo?" Narinig ko namang usapan nitong nasa kabilang table ko.
Don't get me wrong, huh. Hindi naman ako nakiki rinig sa usapan ng may usapan pero sadyang malalakas lang talaga yung mga boses nila kaya aksidenteng naririnig ko ang mga ito.
"Tumawag ako sa Maid nila tol may sakit daw eh. Tsk." Ani nung isang lalaking naka salamin.
"Si Bright talaga oh." Iiling iling na sabi nung isa at uminom na uli sa kaniyang Taro Milktea.
Tama ba yung narinig ko? Si Bright ba talaga yung tinutukoy nila na may sakit?
Kaya kahit labag sa loob ko ay nagawa kong mag tanong sa kanila dahil gusto kong malaman kung may lagnat nga ba talaga si Bright upang mabisita ko ito sa kanila.
Nadala na naman ako ni Bright sa bahay nila one time dahil nag birthday yung little sister niya.
"Hi. Pwedeng mag tanong?" Pambabasag ko sa masayang kwentuhan nila kaya lahat ng atensyon nila ay nasa akin.
"Sige ba Miss. Ano yon?" Sabi nitong lalaking nagsabing may sakit daw si Bright.
"Si Bright Gervacio yung tinutukoy mo kaninang may sakit?" Pagtatanong ko dito.
"Yeah. Ano ka ba niya, Miss?" Pagtatanong sa akin nung lalaking naka salamin.
Hindi naman ako agad ako naka sagot dahil sa tinanong nito sa akin. Oo nga, ano ba ako ni Bright? Nililigawan? Yeah oo nililigawan niya ako pero dapat bang sabihin ko pa ito sa mga lalaking nasa harapan ko?
Pero sila, ano ba sila ni Bright?
"Kaibigan kami ni Bright." Sabi nung isang lalaking mukhang nabasa yung iniisip ko.
So Kaibigan pala sila ni Bright huh.
"Ah. Uhm. Friend. Tama! Friend kami. Sige bye! Thank you!" Aniya ko at dali daling lumabas na ng Milktea Shop na iyon.
Nang makalabas ako sa Milktea Shop na iyon ay agad agad akong pumara ng Jeep para makapunta sa bahay nila Bright.
Hindi na ako nag text pa sa kaniya na pupuntahan ko siya dahil alam ko din naman na hindi niya lang ako rereplyan dahil sigurado pa ako sa alas kwatro na natutulog yon kaya ganon.
