Chapter Four

67 41 0
                                        


Nandito kami ni Amanda sa condo ni Parker dahil nag aya si Parker na mag over night daw kaming tatlo.


Siguro namiss kami nitong babaeng to, dahil madalas makasama niya si Donny.


Di ko nga alam kung may secret relationship na yung dalawang yon or sadyang landian lang.


"Astrid, bili tayo pizza" pag aaya sakin ni Amanda na mukhang gutom na gutom na dahil kanina pa namin inaantay si Parker dito sa condo niya.


May duplicate key kami ng condo niya, although may tiwala naman samin si Parker dahil matagal na kaming mag kakaibigang tatlo.


"Sige, text na lang natin si Parks" simpleng sabi ko kay Amanda at tumayo na.


Si Amanda na yung nag order ng Pizza at inaantay ko lang siya dito sa table namin.


Habang inaantay ko si Amanda naka tanggap naman ako ng text galing kay Nicho.


From: Nicho

Greta, kobeta. Hi. Dito kami kela Donny, inom lang po.


Napa ngiti naman ako sa messages ni Nicho sakin. Ito talaga, kahit kelan hilig ako i update.


To: Nicho

Okay, ingat. Wag pakalasing.

Sent.


Pagka send ko ng messages sa kanya ay itinago ko na yung phone ko sa dala kong bag.


Dumating na din naman si Amanda na dala dala yung Pizza na inorder niya at tatlong fries and sundae.


"Dami naman niyan" sabi ko sa kaniya habang kinukuha ko yung Sundae dahil ang tagal na din nung huli kong kain nito.


"Syempre, tinawagan ko na si Parker na dito dumiretso" aniya habang nag slice ng pizza.


Tumango na lang ako at kumain ng mga inorder niya dahil nagugutom din ako kanina pa.


Maya maya pa, dumating na si Parker na may dalang chocolate cake and soft drinks.


"Parks, ano meron? Dami niyong biniling foods ni Amanda" pag tatanong ko kay Parker.


"Celebrate." Simpleng sabi niya habang kumakain ng fries.


Nag taka naman ako sa sinabi ni Parker dahil wala naman kaming icecelebrate, wala namang occasion.

Nagkibit balikat na lang ako at kumain ng mga pinamili nila.


Nag kwentuhan lang kaming tatlo habang kumakain, dahil ito na lang yung araw na nakumpleto kaming tatlo.


"Parks, napapadalas labas niyo ni Donny ah" pang aasar ni Amanda kay parker na kumakain ng pizza.


"H-hindi ah. Kumain na nga lang kayo dyan, cr lang ako" pag dedeny nitong si Parks.


Nag kataginan na lang kami ni Amanda at sabay nagka kibit balikat, baka di pa handa si Parker na mag kwento kaya ganon.


Nag movie marathon lang kami sa unit ni Parker at nag iinuman, dahil namiss namin yung isa't isa.


Si Amanda, mukhang lasing na dahil puro pang broken yung kinakanta sa karaoke.


Tawa lang kami ng tawa ni Parker kay Amanda dahil sa mga ginagawa niya.


Romance Monster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon