"Kanina ka pa? Sorry ah. Traffic kasi." Ani ko kay Bright pagkadating pagkadating ko dito sa Coffee Shop.
"Ayos lang, Astrid. Kakadating ko lang din." Sabi nito at inalukan ako ng kape na hawak hawak niya.
Umiling na lang ako bilang pag tanggi dito dahil busog pa naman ako.
"So ano dala dala mo yung books mo?" Napag usapan kasi namin ni Bright na sabay na mag review dahil malapit lapit na din yung exam namin.
Pumayag naman ako dahil wala namang masama dahil review lang naman.
"Yeah. Ikaw?" Ani nito habang kinukuha yung mga libro na aaralin niya.
Puno na din kasi sa library kaya dito na lang namin napag usapan na mag review.
Tumango naman ako dito bilang pag sagot at inilabas na din yung mga librong ka-kailanganin ko para sa pag re-review.
Bukas na din yung party ni Khal napag usapan ng barkada na sa condo na lang ni Parker ganapin tutal mag isa lang naman siya doon.
Nasabi ko na din kay Bright na isasama ko siya bukas at nakakatuwa dahil pumayag ito.
Tahimik lang kami na nag aaral ni Bright at kung minsan ay sandaling mag uusap pagkatapos balik pag aaral na uli't.
Natuklasan ko din na matalino din pala itong si Bright.
"Hi Greta!"
Napaiwas yung tingin ko sa libro ng marinig ko yung boses ni Parker na tinawag ako.
Ganon din si Bright at napa tingin din kay Parker na papalapit sa amin na may dala dalang Frappe.
Teka, asan si Donny? Bakit mag isa lang ata siya?
"Siya ba yon?" Pabulong na pagtatanong sa akin ni Parks habang naka upo sa aking tabi.
"Oo." Mahinang sabi ko dito at tumingin kay Bright na ngayon ay naka ngiti lang sa aming dalawa ni Parks.
"Hi! Im Parker. Bestfriend ni Greta ay Astrid pala." Ani ni Parks at nakipag shake hands ito kay Bright.
Tinanggap naman ito ni Bright, "Hi. Im Bright." Simpleng pakilala nito at ngumiti kay Parks.
"Basa lang ako." Ani ni Bright sa amin at tinuon na uli ang tingin sa librong kaniyang binabasa.
"Ang pogi girl ha." Mahinang sabi ni Parks.
"Shhhhh! Ano bang ginagawa mo dito? Nasan si Donny?" Mahinang pagtatanong ko dito habang sinasara muna ang aking libro.
"Niyaya ni Nicho eh." Simpleng sabi nito at sinalayan uli yung mukha ni Bright na seryoso sa kaniyang binabasa or should i say inaaral.
"Single?" Pagtatanong ni Parks at napapakagat pa sa dulo ng kaniyang daliri.
Kinurot ko naman ito sa tagiliran, "Taken ka na gaga." Bulong ko dito.
Napangiwi naman ito sa sakit at hinimas himas pa ang kaniyang tagiliran dahil sa aking ginawa.
"Tinatanong lang eh." Ani nito.
"Osya pano bukas ha? Wag kayong mala-late!" Pagpapaalam samin ni Parks.
Hapon na din kami natapos sa pagaaral ni Bright habang si Parker ay walang ibang ginawa kundi mag social media.
