"Guys picture tayo!" Pag aaya samin ni Amanda at inilabas ang kaniyang dala dalang Camera.
Nag pose naman ako ng wacky.
Wala lang, para cute.
"Amanda baby ako naman mag isa pang profile picture lang." Ani ni Bien na nag request kay Amanda na kuhaan ito ng litrato.
Umiling na lang ako habang pinapanood ito na mag pose ng kahit ano ano sa harap ng camera.
"Picture!" Ani ni Nicho na bigla bigla na lang nag pi-picture.
Hindi pa nga ako ready eh! Nakaka inis naman pustahan badshot na naman ako doon, grrrr.
"Ganda yern?" Pang aasar ni Nicho sa akin at pinapakita pa yung mukha kong mukang nalugi.
Inirapan ko na lang siya at tinignan na lang si Bien na ngayon ay hinubad pa ang kaniyang tshirt na soot para daw makita yung mga biceps at abs 'keme' niya.
Mabuti na lang di kami sinisita dito.
Ang dami naman kasing alam nitong si Bien!
"Profile mo'to. Ganda mo oh." Ani ni Nicho at pinakita sakin yung picture ko na stolen.
Hindi ko ineexpect na kukuhaan niya ako ng litrato habang pinagmamasdan ko si Bien na nag pho-photoshoot.
"Maganda talaga ako!" Sabi ko dito.
"Bilis mo talaga magpa-uto noh?" Ani naman nito at piningot na naman yung ilong ko.
Jusmiyo nagsisimula na naman itong lalaki na'to grrrrrr!
"Oy Bien tama na yan!" Sabi ni Khal kay Bien na mukhang walang balak tumigil sa ginagawa niya.
"Oo nga. Full storage na yung camera ko!" Sabi ni Amanda at itinigil na yung pagkuha sa kaniya ng litrato.
"Kain na tayo guys!" Ani ni Parker na mukhang kanina pa din nag aantay na matapos si Bien at Amanda.
"Amanda baby, patingin nga ng mga gwapo kong picture." Ani ni Bien habang sinosoot ang kaniyang t-shirt na hinubad niya pa.
Napagpasiyahan naman na sa KFC na lang kami kumain.
Si Amanda na yung nag bayad ng mga kinain namin dahil treat na daw niya ito samin dahil tsokolate lang yung nadala niyang pasalubong samin.
Although, ayos lang naman kasi kahit si Amanda nga lang masaya na kami eh.
"Nood tayong cine!" Pag aaya samin ni Khal.
Pumayag naman kami dahil bonding na din naman to ng Barkada.
Napili naming panoodin ay Horror. Love story talaga yung gusto namin nila Amanda at Parker kaso itong mga boys na kasama namin kumokontra kesyo corny daw.
"Bien naman 'e di pa nga nagsisimula yung palabas kalahati na yung popcorn natin!" Pagrereklamo ni Amanda sa kaniyang katabi na maya't maya ang kain.
Oo nga naman wala pang movie nangangalahati na yung popcorn nilang dalawa.
Si Parker ni Donny yung share.
Si Amanda ni Bien.
Ako at si Nicho.
