"Astrid, ikaw na ba yan?"
Automatiko naman akong napalingon dahil sa pamilyar na boses na tumawag sakin.
Napatili naman ako at napa talon pa dahil sa gulat.
"Marcus!" Tili ko sabay yakap sa kaniya na dala dala pa yung mga bagahe niya.
"Grabe ibang iba ka na ah." Ani ni Marcus habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa.
"Hindi naman, eto pa din naman ako. Ikaw nga oh, tumangkad ka na. Di ka na bansot." Sabi ko at sabay kaming tumawa.
Ito si Marcus, kababata ko.
Lumipat sila ng California nung Elementary pa lang kami at ngayon na lang uli kami nagkita.
"Nasan sila Tita?" Pagtatanong ko sa kaniya dahil mukhang mag isa lang ata siyang umuwing Pilipinas.
"Nagpaiwan. Alam mo naman, matatanda na." Ani nito habang natatawa.
"Coffee?" Pagtatanong ni Marcus sakin.
Kagagaling ko pa lang sa loob eh pero osige na nga minsan lang naman tong umuwi si Marcus.
"Sure." Sabi ko habang binibigyan siya ng matatamis na ngiti.
Pumasok na kami ni Marcus sa Coffee Shop at umorder na siya, hindi na ako umorder dahil busog pa naman ako.
Habang inaantay ni Marcus yung order niya ay busy ito sa kanyang bagahe na tila may hinahanap.
"Marcus, ano ba yang hinahanap mo?" Pagtatanong ko sa kaniya, dahil di ko na kayang tiisin na panoodin lang siya.
Hindi lang ako pinansin ni Marcus at pinagpatuloy pa din ang paghahanap ng kung ano man ang kanyang hinahanap sa kanyang bagahe.
"Marcus." This time, naging seryoso na yung boses ko.
Para naman pansinin o lingunin man lang ako nitong si Marcus, tsk.
"Bingo!" Ani nito at pinunasan pa kunwari yung pawis na tumulo sa kanyang noo.
Umirap lang ako at umayos ng upo, "Ano ba kasi yan?" Pagtatanong ko sa kanya.
"For you, Astrid." At may inabot siya saking isang box na kulay asul na may ribbon na kulay puti.
Tinanggap ko naman ito at binigyan siya ng tingin na 'ano to?'. Gets niyo? Kung hindi niyo gets, bahala kayo.
"S-salamat." Sabi ko kay Marcus at ipinagpatuloy na uli ang pagbubukas ng regalong bigay niya sakin.
Nung nakita ko na kung ano ang laman nito at napaawang yung bibig ko at nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ako makapaniwala.
Seryoso ba si Marcus?
"Thank you Marcus waaaaahhh!" At hindi ko na napigilan yung sarili ko na pumunta sa pwesto nito at yakapin siya.
"Ehem." Automatiko naman akong napahiwalay ng yakap kay Marcus.
"N-nicho?"
"Ang kalat ah. Get a room, Astrid. Tsk." Ani ni Nicho sabay alis at pumunta sa table na pwesto niya.
Nanlaki naman yung mata ko sa sinabi ni Nicho ang dumi talaga ng isip nung taong yon.
Hindi na nahiya dito kay Marcus, tsk.
