"Tulaley ka?" Pag tatanong ni Bien na may dala dalang sandwich.
Itong isa na ito kahit kelan hindi na nawalan ng pagkain sa kamay.
"Hindi. Napuyat kasi ako." Ani ko na lang at umiwas ng tingin dito.
Hindi ko din alam bakit ako tulala ngayon.
"Nyare ba?" Pagtatanong nito,
"Wala." Ani ko na lang at kinuha yung sandwich na hawak hawak niya, agad naman siyang nag protesta dahil sa ginawa ko.
Bumalik na din si Amanda sa ibang bansa dahil may School pa siyang naiwanan.
"Bumili ka kaya!" Naiinis na sambit ni Bien at pilit na kinukuha sa akin ang kaniyang sandwich.
Masarap pala tong Chicken Sandwich ha. Madalas kasi puro Plain Sandwich lang yung binibili ko.
"Teka, si Nicho ba yon?"
Napalingon naman ako kay Bien na naka tingin sa hindi kalayuan sa amin.
Oo nga! Si Nicho nga! Pero teka, bakit kasama niya si Parks?
Silang dalawa lang?
"Lapitan natin." Ani ni Bien at hinila pa ako para puntahan si Nicho ni Parker na nag uusap.
"Osige basta nandito lang kami kapag kailangan mo ng tulong, huh?" Ani ni Parks at tinapik ang balikat ni Nicho.
Umalis na din naman agad si Parker at salamat naman dahil mukhang hindi niya kami nakita na papalapit sa gawi nila ni Nicho.
"N-nandyan pala kayo!" Ani ni Nicho na halatang nagulat dahil sa pag litaw namin ni Bien sa kaniyang harapan.
"Si Parker ba yung kausap mo tol?" Pagtatanong ni Bien sa kaniya,
Umiwas ng tingin sa amin si Nicho at napakamot pa sa kaniyang ulo at ultimo hindi alam ang kaniyang gustong sabihin.
Anong meron sa kanila ni Parks?
"A-ah o-oo may si-sinabi l-lang." Nauutal na paliwanag ni Nicho at iniba na ang topic ng aming pag uusap.
Siguro ayaw niyang sabihin kung ano yung napag usapan nila ni Parker.
"Astrid, wala kang klase?"
Bumalik naman ako sa realidad ng tanungin ako ni Nicho.
"M-meron p-pala! Oo tama! Meron! Sige bye!" Nauutal na pagpaalam ko sa kanila ni Bien at minadali na ang lakad para makalayo sa kanila.
Hindi ko alam bakit hanggang ngayon iniisip ko pa din kung ano ba yung napag usapan ni Parks at Nicho.
Nacucurious ako gusto kong malaman pero siguro privacy yun at mukhang wala silang balak ipaalam kaya iiwasan ko na lang siguro isipin yun.
"Hi Miss, san yung office dito?" Pag tatanong ng isang lalaki na siguro transferee dahil naka cevillian ito at may hawak hawak na brown envelope.
"Liko ka lang don tapos may blue na pinto. Ayun na." Paliwanag ko dito at nginitian siya.
"Thank you, Miss?" Pagtatanong nito sa aking pangalan,
"A-astrid!" Pagpapakilala ko at inilahad ang aking kamay para makipag shake hands sa kaniya.
"Ow Astrid. Ako nga pala si Bright." Ani nito at ngumiti ng malawak.