"Oh anak, nasan si Nicho?" Pagtatanong sakin ni Mama ng mailapag ko sa mesa yung pinapa-kuha niya.
"Im here, Tita." Biglang sulpot ni Nicho at umupo na sa tabi ni Kuya Wesley.
"Osya kumain na kayo." Ani ni Mama at nakipag kwentuhan na uli't kay Tita Tanya.
Nilibot ko yung paningin ko sa kanilang lahat, si Ate Blair kausap si Kuya Wesley habang si Amber naman ay kumakain pa din.
Tinignan ko ng palihim si Nicho at nakita kong tahimik lang niyang ginagalaw yung pagkain niya.
Mali ba yung ginawa ko? Mali ba na hindi ko siya inantay na matapos yung sasabihin niya?
Pasensya? Bakit, bakit siya hihingi ng pasensya dahil ba sa pag iwas niya sakin? Dahil ba sa wala niyang rason na pag iwas na lang saakin basta basta?
Hindi ko alam. Naguguluhan ako.
---
Nandito ako ngayon sa bench. Mag isa. Ayoko muna sumabay sa barkada mag lunch, dahil naguguluhan ako.
Hindi ko alam kung dapat ko bang kausapin si Nicho at tanungin siya kung ano ang kanyang rason bakit bigla na lang niya akong iniwasan.
Although, hindi pa naman ako nagugutom.
Naka-tingin lang ako sa mga estudyante na mga naglalakad papunta sa kani-kanilang mga pupuntahan.
Ayoko din naman sabihin kela Parker o kay Amanda na naguguluhan ako, kasi ayokong malaman nila na apektado ako sa pag-iwas na ginagawa sakin ni Nicho.
"Di ka nagugutom?" Napa tingin ako sa lalaking nagsalita sa harapan ko na may dalang sandwich at bottled water.
Ah, si Donny.
"Hindi. Busog pa ko." Sabi ko at binigyan siya ng tipid na ngiti.
Umupo naman siya sa tabi ko kaya umusog ako para mabigyan siya ng space para maka-upo.
"Anong problema, Astrid?" Pag tatanong niya sakin habang naka tingin din sa mga estudyanteng naglalakad.
Nagpakawala muna ako ng buntong hininga, sasabihin ko ba kay Donny yung gumugulo sa isip ko?
Wala naman sigurong masama. Kaibigan ko naman to.
Tinignan ko siya at tumingin naman siya sakin, inalukan niya ako nung sandwich na hawak niya at umiling na lang ako ng naka ngite.
"Donny, alam mo ba kung bakit ako iniiwasan ni Nicho?" Pag tatanong ko sa kaniya.
Napa tigil siya sa pagkain ng sandwich na hawak niya at tumingin sakin.
"Astrid gustuhin ko mang sabihin sayo, pero hindi mo dapat sakin pwedeng malaman yung rason." Aniya niya at ngumiti ng malungkot.
Naiintindihan ko siya. Gusto niya akong tulungan, pero alam niya na hindi ko dapat sa kaniya pwedeng malaman yung rason.
Ngumiti na lang ako sa kaniya at tumango, naiintindihan ko Donny.
Tumingin na lang ako sa baba at ngumiti ng malungkot "Kausapin mo siya Astrid kung gusto mo malaman yung rason." Aniya ni Donny.
Ngumiti muna ako sa kanya, "Salamat." Ngumiti din naman siya sakin pabalik at muli ng kinain uli yung sandwich niya.
"Ikaw, bakit wala ka din sa Cafeteria?" Pagtatanong ko, dahil nandito siya sa tabi ko at wala sa Cafeteria kasama sila Bien.
