Chapter Seventeen

35 24 0
                                        

"B-bright." Pang aagaw ko sa atensyon nito habang abala pa din ito sa pagmamaneho.


"Hmmm?" Ani nito habang naka tuon pa din ang tingin sa kalsada.


"Totoo ba yung si-sinabi mo ka-kanina?" Nauutal na pag tatanong ko dito dahil hindi pa din nag si-sink in sakin yung mga salitang binitawan niya kanina, lalong lalo na yung sinabi ni Nicho..


Hindi ko alam kung sinabi lang ba niya yun para mas lalong mapikon o mainis sa kaniya si Nicho pero bakit naman gagawin ni Bright yun diba?


"Oo." Simpleng sabi nito at hindi pa din ako tinitipuhan ng kahit isang tingin.


"Mag kita na lang tayo bukas. Goodnight and Sorry Astrid." Ani nito at humalik sa aking noo.


Ganito si Bright kapag hinahatid niya ako sa bahay namin palaging hahalikan niya yung noo ko bago ako mawala sa kaniyang paningin.


Hindi ko naman ito nilalaggyan ng malisya dahil halos ganito din naman yung iba kong Kaibigang lalaki.


"S-sige ingat ka." Sabi ko at dali daling lumabas ng kaniyang sasakyan.


Hindi ko alam kung ano yung mararamdaman ko ngayon dapat ba akong matuwa dahil yung crush ko ay gusto din ako?


Pero paano si Nicho? Hindi ko mapaliwanag  yung nararamdaman ko kay Nicho.


Basta masaya ako kapag nandyan yung presensya niya at masaya din ako kay Bright.


Pero pwede ba yun? Yung magkagusto ka sa dalawang tao?


"Khal, sorry talaga huh? Nagkagulo pa tuloy." Pang hihingi ko ng pasensya kay Khal.


"Ayos lang Astrid. Naka usap mo na ba si Nicho?" Ani nito sa akin,


Yun na nga e sinusubukan kong kausapin si Nicho pero todo iwas to sakin.


"Iniiwasan ako eh." Sabi ko dito at napa kamot na lang sa aking ulo.


Hindi ko na alam yung gagawin ko sinusubukan ko namang makipag usap sa kaniya pero todo iwas talaga siya na parang may malala akong sakit na ikakahawa niya.


"Maybe next time, Astrid." Sabi nito at tinapik ang balikat ko at saka umalis na.


Nandito ako ngayon sa bench inaantay si Bright dahil hindi pa tapos ang klase nito gusto kasi niya na sabay daw kaming umuwi dahil may sasabihin ito.


"Tara na?" Ani nito sa akin,


"Sige." Sabi ko at sumunod na sa kaniya sa parking lot.


Hindi kami dumiretso ni Bright sa bahay kundi dito sa Milktea Shop na bagong bukas malapit sa University na pinapasukan namin.


"Hmm, ano yung sasabihin mo Bright?" Pagtatanong ko dito habang inaantay siya na magsalita.


Hindi ako naiilang kay Bright simula nung sinabi niya yung nararamdaman niya para sakin.


"Astrid pwede ba kitang ligawan?" Ani nito na naka titig lang sa mga mata ko.


Napa awang yung labi ko dahil sa gulat dahil sa sinabi nito.


Se-seryoso ba siya? Gusto niya akong ligawan? Pero bakit? Dahil ba sa gusto niya ako?


Pero pinangako ko sa sarili ko na hindi muna ako aabot sa stage na mag bo-boyfriend ako hanggat hindi ako tapos sa pag aaral ko.


"Uhm Bright hindi pa kasi ako handa eh." Pagsasabi ko ng totoo dito.


Romance Monster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon