Chapter Eighteen

31 23 1
                                    

"Oh bakit naka simangot ka na naman dyan, babae?" Pagtatanong sa akin ni Parks habang namimili kami ng mga drinks na iinumin namin sa isang araw.


"Wala." Sabi ko dito at nag lagay sa cart ng dalawang Soju.


Hindi naman mahilig yung mga Boys sa Soju kaya dalawa lang yung kinuha ko.


"Bakit nga?!" Naiinis na tanong ni Parker at hindi na napigilan ang sariling hilahin ang buhok ko!


Kahit kelan talaga ang hilig nitong saktan yung ulo ko!


"May nakabangga kasi akong babae kanina! Nakakabwisit. Siya pa yung matapang e siya nga tong hindi tumitingin sa dinadaanan niya! Like duh!" Napipikon na sabi ko dito.


"Kaloka ka talaga, Greta! Parang hindi ka pa sanay!" Ani nito sa akin. Well, tama naman si Parks parang hindi pa ako nasanay e halos simula ng ligawan ako ni Bright at Nicho ang dami ng mas lalong na-bwisit sakin kahit wala naman akong ginagawang masama sa kanila.


Pero gaya nga ng sabi ni Parks hayaan ko na lang dahil inggit lang daw yung mga yun which is true!

"Kelan nga pala dating ng ate mo?" Pag iiba ko ng topic dito.


"Actually nakauwe na sa Pinas si Ate. Nag stay lang sa condo ni Kuya Jhon. Baka siguro next week or sa isang araw yun bumisita." Ani nito habang patuloy pa din sa pagkuha ng mga delata at iba pa niyang panga-ngailangan sa condo niya.


Na-excite din kasi akong makita yung Ate nitong si Parker dahil never ko pa itong nakita sa personal o kahit man lang sa pictures.


Si Kuya Jhon ayun yung Boyfriend ng Ate ni Parks.


"Okay na siguro to 'noh?" Sabi nito at pumunta na kami sa counter para mabayadan yung mga pinamili.


Mabuti na lang talaga hindi mahaba ang pila sa counter dahil kanina pa nagrereklamo itong katabi ko na kumukulo na daw yung tiyan niya kesyo hindi daw dapat hinahayaan na magutom yung mga bituka niya.


Napagpasyahan namin ni Parker na sa Mcdo na lang mag dinner dahil nag crave daw siya sa Mcflurry kaya pumayag na din ako, ako na nga lang ililibre magrereklamo pa ba ako right?


"Sige Greta see you tom! Ingat ka ah? Text mo ako kapag nasa bahay ka na." Ani ni Parks at sumakay na sa Taxi.


Magkaiba kasi kami ng way ni Parker kaya hindi kami sabay nitong umuwi.


"Let's go."


"Huh sino ka b-"


Seryoso ba ito? Bakit nandito si Bright? Sa pagkakaalam ko nauna itong umuwi sa amin dahil naki usap sa kanila si Parker na gusto muna ako ma-solo nito.


"B-bright anong ginagawa mo d-dito?" Nagtatakang tanong ko dito.


"Hindi kasi ako mapalagay hanggat hindi ko nalalaman na safe kang nakauwi." Sabi nito sa akin at pinagbuksan ng kaniyang sasakyan.


Palihim naman akong napangiti dahil sa sinabi nito pero mas minabuti kong hindi niya ito mapansin, palihim nga diba?


"Ano ka ba nag abala ka pa pero sa-salamat." Ani ko at ngumiti sa kaniya.


"Kumain ka na?" Pagtatanong nito sa akin.


"Yap. Kumain muna kami ni Parker bago umuwi." Sabi ko dito at tinignan yung phone ko kung may text na ba si Parker kung naka uwi na ba siya.


Romance Monster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon