Hindi ko alam bakit dito ako pina-deretso ni Parker sa lumang bahay nila. Ano bang gagawin ko dito? Kakausapin yung mga alikabok?
Hays. Hindi bale na nga. Aantayin ko na lang siya. Kina-umagahan kasi ay nag-text si Parks at sinabing huwag ko na daw siyang sunduin sa kanila dahil may gagawin pa siya.
Nag stay lang ako dito sa may dati nilang garden habang inaantay na dumating si Parker. Hindi naman ako natatakot mag-isa dito dahil nandito naman yung care taker nitong bahay nila.
Nasa kusina si Aling Rosanna at nagluluto ng madaming pagkain. Iba't ibang klaseng putahe pa. Tinanong ko ito kung bakit ang dami nitong niluluto pero ngiti lang yung sinagot nito sa akin.
Kaya eto, minabuti ko na lang na mag lakad lakad muna dito sa Garden nila habang inaantay na dumating dito si Parks.
Bigla ko tuloy naalala yung paguusap namin kanina sa bahay ni Marcus dahil balak pa talaga akong sunduin ng lalaki na yon para lang hindi ako payagang umabsent sa trabaho.
"Let's go, Astrid. Wag ka ng nakulit. Mala-late tayo oh." Sabi nito at napapatingin pa sa kaniyang wrist watch ng pauli't ulit.
Boomerang ka, ghorl?
"Aalis nga kami ni Parker!" Sabi ko dito habang pinagpapatuloy pa din yung paglalagay ng foundation sa mukha ko.
"Dalian mo na dyan." Hindi pagpapansin nito sa sinabi ko at inantay pa din akong matapos sa pagma-make up ko.
Nag isip lang ako ng pwedeng ipalusot dito habang binabagalan ko yung paglalagay ng foundation sa mukha ko.
"Hello po? S-sir Richmond? Y-yes po, nandito po siya. Po? Nagkakagulo kayo?" Pagaarte ko dito habang naka tapat pa din ang phone ko sa tenga ko.
"Sino yan? Si Tito? Ha? Nagkakagulo?" Sunod sunod na tanong ni Marcus at inagaw sa akin yung phone ko.
"Alright, Tito. Im on my way. Yes." Sabi ni tanga at dali daling umalis ng aking Apartment.
Napapahawak na lang ako sa tyan ko habang tawa pa din ng tawa dahil sa reaksyon ni Marcus kanina.
Biruin mo yon? Nagsasalita si buang kahit wala naman talagang kausap? Hahahahaha. Marcus lang malakas.
Haynako. Ano kayang gagawin sakin non kapag nalaman niyang niloko ko lang siya? Sana naman hindi ako sesantihin.
Naku Lord wag naman sana.
Haynako. Kapag naalala ko talaga yung nangyari kanina hindi ko maiwasang hindi tumawa dahil sa itsura ni Marcus.
Napagpasyahan kong bumalik na muna sa living room at doon na lamang antayin si Parker.
Pero, hindi pa man din ako nakakapunta doon ay may naririnig na akong mga boses na mukhang nagsisiyahan.
Lumapit pa ako para mas malinaw kong makita kung sino ba yung mga dumating?
"Kakain mo lang ng kanin sa bahay! Ipahinga mo yang bituka mo, tol."
"Dessert ko lang nga yon."
"Lolo mo dessert!"
"Papalunok ko sayo yang buong mansanas! Amin na sabi 'e."
Bien? Khal?
