Chapter Thirty One

26 19 0
                                        

"Yep. Papunta na nga po. Okay okay." Sabi ko kay Amanda sa kabilang linya.


Nag aya kasi sila na mag BAR daw kaming Barkada. Hindi naman ako maka-tanggi kahit marami pa akong kailangan tapusin dahil bumabawi ako sa kanila.


Hindi bale na nga. Sa Office ko na lang to tatapusin bukas.


Syempre hindi pa talaga ako on the way. Mag shower pa lang ako. Well, ganon naman talaga tayong mga pilipino diba? Kunwari, papunta na pero ang totoo papunta pa lang sa CR.


On the way to CR.


Sinoot ko yung mini skirt kong nabili sa H&M at tiner-nuhan ito ng tube na fitted sa akin. Syempre, nag lagay din ako ng black lether jacket dahil alam kong mamaya ay malamig.


Nag make up lang ng ako very light at kinulot yung dulo ng aking buhok at sinoot ko na yung heels ko.


Gora na! Arat na.


Mga ten pm na ako nakadating dito sa BAR na sinabi nila Amanda at nakita kong nag aantay na sila nila Khal sa isang couch.


So, ako na lang pala yung inaantay nila? Masyado ba akong natagalan?


"On the way daw ha! Grabe! Sobrang bilis mo, sis!" Sabi nitong si Amanda at inabutan na agad ako ng shot.


"Traffic!" Pagdadahilan ko dito at umupo dito sa bakanteng pwesto. At wow! Sa tabi pa talaga ni Nicho ha? Pero no pakels!


Mabuti at pinapayagan pa siya ni Chelsey gumimik gayong may anak na sila ah! Sana ol!


"Ganda natin ngayon, Sis ah!" Sabi nitong si Parker at tinusok tusok pa yung tagiliran ko.


"Enebe!" Pagpapabebe ko dito.


Ganda ko ba ngayon? Weh? Itanong ko kaya dito sa katabi ko? Wag kayong ano! Katabi ko din si Khal 'noh.


"Astrid! Doon tayo! Sayaw tayo!" Pag aaya sakin nitong si Amanda na mukhang may tama na.


Aga naman nalasing nito?


"Sure!" Aniya ko dito at tumayo na pero hindi pa man kami nakaka alis ni Amanda ay nagsalita na itong si Nicho.


"A-amanda," Aniya nito.


"Yes, Nicho my love?" Pagbibiro na sabi dito ni Amanda at humagikgik pa.


Nako, lasing na nga talaga itong isang to.


"Ako lang love mo, oy!" Sabi nitong si Bien na mukhang may tama na din.


Ano bang meron? Bakit ba ang bilis nilang na-lasing ngayon? O baka naman sobra lang talaga akong natagalan?


"Duh! In your dreams! Oh, Nicho ano ba yon? Sayaw na sayaw na'ko oh!" Sabi nitong si Amanda at napapa-padyak pa si gaga.


"Ano kasi wag na kayong umalis! Oo tama! Maglalaro pa tayo diba, diba, Khal?" Sabi nitong si Nicho at dinamay pa talaga si Khal kahit wala naman itong sinasabi.


Bakit ba ang epal niya? Sayaw na sayaw na din ako! Myghod! So epal.


"Sur-"


"Amanda tara na! Dali!" Pag aaya ko pa din dito at hinawakan yung kamay niya para hilahin na sana siya pero dahil epal itong si Nicho ay hinili na din yung kabilang braso ni Amanda.


"Amanda, tara na! Magsisimula na yung game!" Sabi nitong si Nicho na epal.


"Sure!" Sabi naman nitong si Amanda na mukhang hindi din alam kung kanino ba talaga siya sasama!

Romance Monster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon