Chapter Twenty

38 22 0
                                        

[Sorry talaga Kobeta nagpapahatid kasi si Mama sa Shop niya eh.] Sabi ni Nicho sa kabilang linya.


Hindi kasi niya ako masusundo ngayon dahil nagpahatid si Tita Tanya sa Sweet Shop nila.


Ayos lang naman sa akin dahil dadalhin ko na lang yung sasakyan namin para naman makapag drive na uli't ako. These past few days kasi palagi akong ihahatid at susunduin ni Nicho o ni Bright.


Dipende kung sino yung mauuna sa kanilang dalawa.


[Okay lang nga. Osige, huh? Sumunod ka don. Okay okay. Ingat.] Aniya ko at pinatay na ang tawag.


Binuhay ko na yung makina at sinimulan ng mag drive dahil dadaan pa ako sa Fresh Market upang bumili ng Fresh Milk na gustong gusto ko.


Hindi ko alam dati naman hindi ako mahilig sa Fresh Milk pero simula nung natikman ko yung Fresh Milk sa condo ni Parker ay na adik na ako dito.


Mabuti na lang hindi masyadong madaming tao dahil kapag ganitong weekends ay madaming tao yung namimili dito.


Agad naman akong pumunta sa Milk Section dahil nagmamadali din ako dahil kanina pa daw nandoon sa Coffee Shop si Bright na nag aantay.


Hindi ko pa nga nasabi sa kaniya na isasama ko si Nicho pero bahala na!


"Ouch! Sa su- You?! Again?!" Reklamo nitong babaeng naka bangga ko dati sa School namin.


Wow ha! Hanggang dito ba naman makakasalubong ko itong babae na'to! Wow nakaka wow!


"Hindi ko sinasadya, okay? Besides nagmamadali ako Miss. Sorry." Wala akong oras makipag away sa babaeng ito na saksakan ng arte kaya nilagpasan ko ito at bago pa lang ako makakalayo sa pwesto niya ay agad ko ng naramdamang may kamay na naka hawak sa buhok ko.


"You bitch!" Naiinis na singhal nito at syempre hindi ako nagpatalo noh! Diniinan ko din yung kapit sa buhok niya!


"Mas bitch ka!" Sambit ko dito at hinila ko ng bonggang bongga yung buhok niyang bagong kulay!


Anong akala niya kina-ganda niya yung Red Hair niya?! Lol. Hindi ba siya nainform na mukha siyang sisiw?


"Maam! Tumigil na po kayo!" Pagaawat sa amin ng mga nag tra-trabaho dito pero dahil parehas kaming ayaw magpatalo ay walang nag nanais bumitaw sa buhok naming dalawa.


"Mygod nawala lang ako sandali Ate! Omg! Omyghod! Greta! Ate!" Doon na ako bumitaw sa buhok nitong babae na ito dahil sa narinig kong boses ni Parker.


Sino pa nga ba yung tatawag sa second name ko kung hindi si Parks, right?


Pero teka! Sandali, tama ba yung narinig ko? Tinawag niyang Ate tong babaeng nasa harapan ko?!


"Myghod! Anong problema niyong dalawa? Nakakahiya kayo!" Bulyaw sa amin ni Parks at siya na yung humingi ng tawad don sa mga staff na abala namin.


"A-ate mo siya? Siya yun?" Hindi makapaniwalang tanong ko dito kay Parks na ngayon ay naka hawak sa kaniyang sentido.


"Yeah. Myghod Ate Kelly! Hindi mo man lang ba namukaan si Astrid?" Naiinis na tanong niya dito sa babaeng to!


"No. Hindi naman kasi siya ka-tanda tanda! Duh. Bye na nga! Uuna na ako sa kotse." Sabi nitong sisiw na'to habang inaayos ang kaniyang buhok na nagulo dahil sa nangyari kanina.


"Pagpasensyahan mo na si Ate Kelly ha? May pagka bitch kasi yan eh." Panghihingi nito ng paumanhin dahil sa ginawa ng kaniyang Ate.


Tama naman siya. Bitch naman talaga yang babae na yan! Hindi ko na napigilan yung sarili kong mapairap dahil sa sakit ng anit ko.


Romance Monster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon