"Mygod Greta bakit si Nicho yung sinampal mo? Pwede naman yung bitch niyang girlfriend!" Ani ni Parks, nandito kami sa Cafeteria.
Nakwento ko kasi sa kaniya yung nangyari nung isang araw na nasampal ko si Nicho dahil sa ginawa nung magaling niyang girlfriend.
"E-ewan ko. Basta nung nakita ko siya, nagdilim na paningin ko" naguguilty ako dahil sa ginawa ko, wala namang kasalanan si Nicho pero siya yung sinampal ko.
Sinusubukan ko namang manghinge ng tawad kay Nicho, pero dahil palagi niyang kasama yung girlfriend niya hindi ko magawa.
Pano ba naman makakasalubong ko pa lang sila ang sama sama na ng titig na pinupukol sakin nung Jesica na yon!
Akala mo naman aagawin ko sa kaniya si Nicho, tsk. Kanyang kanya na.
"Nako naman Greta. Oh ano ng plano mo?" Pag tatanong sakin ni Parker.
Bumuntong hininga naman ako. Hays, ano nga bang plano ko? Hindi ko naman kasi matyempuhan si Nicho ng siya lang mag isa.
Bakit ba kasi ang dikit sa kanya nung Jesica na yon, parang linta eh.
"Bahala na." Ani ko at humugot uli ng malalim na buntong hininga.
"Kung maka dikit naman kasi yang Jesica na yan kay Nicho akala mo mawawala yung tao, tsk." Iiling iling na sabi ni Parker.
Hindi na lang ako nagsalita.
Hindi ko pa din makalimutan yung ginawa nung Jesica na yon sa locker ko!
"Osya sige na Greta, nandon na daw si Donny eh." Ani ni Parks at humalik na muna sa pisnge ko bago umalis.
Magkikita kasi sila ni Donny ngayong free time.
Tumango na lang ako at nagsabing mag iingat siya.
Naglalakad ako papunta sa secret tambayan namin ng barkada dahil nababagot lang ako sa cafeteria mag isa.
Wala kasi si Bien ni Khal, ewan ko kung nasan na naman ng lupalop ng mundo napunta yung dalawang yon.
Si Donny naman kasama si Parker.
Syempre si Nicho ano pa nga ba? Edi kasama din yung girlfriend niyang mukhang linta.
"Uy."
"Ay kalabaw!" Nakakagulat naman to, biglang bigla lilitaw tsk.
Siguro, kung may sakit ako sa puso namatay na'ko sa gulat.
"N-nicho, lumayo ka nga baka mamaya makita tayo ng girlfriend mo." Sabi ko kay Nicho.
Aba himala hindi sila magkadikit ng girlfriend niya ngayon ah. Anong meron?
"Hindi siya pumasok." Ani nito at sinasabayan ako sa paglalakad papunta sa tambayan namin ng barkada.
So, pag absent lang pala si Jesica tsaka siya nakakalapit sakin?
Nakalimutan kong sabihin na nag transfer na dito sa school namin yung magaling na babae na'yon.
Hindi naman sa ayokong pumasok siya sa school na tinutuluyan ko, pero parang ganon na nga.
"Uhm. Nicho, gusto ko sana humingi ng pasensya sa ginawa ko sayo." Nahihiyang sabi ko sa kanya at umiwas ng tingin.
Para akong nabunutan ng tinik dahil naka hinga na din ako ng maluwag, hays.
