Chapter Twenty Four

35 18 0
                                        

"Nicho sandale!" Pagsisigaw ko dito dahil akmang isasara niya na yung pintuan ng sasakyan niya.

"Nicho.." Hindi ko alam pero ayan lang yung lumabas sa bibig ko.

Nakatingin lang ito sa bintana ng kaniyang sasakyan.

"Nicho, si Jesica pa din ba?" Buong lakas at tapang na pagtatanong ko dito.

Buong akala ko 'Distance.' Yung dahilan kung bakit sila naghiwalay ni Jesica noon. Pero hindi ko alam na mas malala pa pala doon.

"Sa tingin mo ba Astrid gagawin ko kay Khalil yon kung hanggang ngayon si Jesica pa din yung mahal ko?" Pagtatanong nito sa akin.

"Pero kasi Nicho mali yung iniisip mo. Hindi ga-" Hindi ko na natapos yung pagpapaliwanag ko dito ng bigla niya akong putulin.

"Hindi ano? Hindi ganon yon? Na isang Friendly Hug lang din, Astrid?" This time, nakatingin na siya ngayon sa akin.

"Oo Nicho." Aniya ko.

"Well. Hindi mo ako masisisi kung bakit may trust issues ako sa 'Friendly Hug' na word." Sambit nito at binuhay na ang makina ng sasakyan.

Tama naman siya. Alam kong sobrang nasaktan si Nicho pero gusto ko lang talagang i-comfort si Khal that time.

"Bumaba ka na." Simpleng sabi nito ng nandito na kami sa tapat ng aming bahay.

Hindi ko namalayan nandito na pala ako sa bahay. Nakatulala lang kasi ako at hindi pa din mag sink in sa akin yung mga nangyari kanina.

"Nicho, gusto ko lang talaga i-comfort si Khal." Ewan ko ba bakit nagpapaliwanag ako kay Nicho ngayon. Siguro kasi, ayokong isipin na naman niya na baka lokohin na naman siya uli ng nasa paligid niya.

"Dalian mo Astrid. Bumaba ka na." Walang pakielam na sambit nito kaya kahit labag sa loob ko ay umalis na ako sa loob ng kaniyang sasakyan.

Pinanood ko lang siya na paharurutin yung sasakyan niya. Naiintindihan ko naman kung bakit ganon yung pakiki tungon sa akin ni Nicho.

Mahigit mag iisang buwan na din yung lumipas simulan yung nangyaring yon.

Hindi ko alam pero parang nahati yung Barkada. Kung kelan nandito na uli't si Amanda ngayon pa talaga naging ganito yung sitwasyon namin. Hays.

Si Khal hanggang maari iniiwasan niya si Nicho dahil alam niyang siya yung naka gawa kay Nicho noon ng hindi maganda kaya siya yung nag aadjust para dito. Syempre, bilang isang Kaibigan sinasamahan siya ni Bien at Amanda dahil ayaw naman nilang isipin ni Khal na pati kaming Barkada ay galit sa kaniya.

Wala naman kaming karapatan para magalit sa kaniya dahil unang una labas kami sa nangyari noon sa kanila..

Kay Nicho naman ay sinasamahan namin siya nila Donny, Parker at syempre ako. Nakakalungkot lang din kasi syempre kahit gusto ko subukang i-comfort si Nicho ay hindi ko magawa dahil parating wala ito sa mood o di kaya'y palaging wala sa kanilang bahay.

Pero kahit ganon gumagawa pa din ako ng paraan para kausapin at i-comfort siya syempre kaya eto nandito ako sa bahay nila dahil sabi ni Tita Tanya ay kagabi pa daw hindi umuuwi itong si Nicho at kung uuwi daw ito ay palaging lasing.

Hindi ko alam bakit ginagawa ni Nicho lahat ng to. Sinabi naman niya na ako na yung gusto at mahal niya pero bakit hanggang ngayon parang naapektuhan pa din siya? Hays. Wag ka ngang negatibo mag isip dyan, Astrid!

Siguro halos isang oras at kalahati na din akong nag aantay dito sa bahay nila Nicho pero kahit ganon ay ayos lang dahil pa minsan minsan ay nakaka kwentuhan ko si Kuya Wesley. Pampalipas oras lang din habang inaantay na umuwi itong si Nicho.

Romance Monster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon