"NICHO?!"
"KOBETA?!"
"Kobeta? Nasa labas ang Comfort Room, bro." Sabi ni Kuya Wesley habang kumakain pa din ng Pizza na binili ko.
"No, what i mean is, Astrid Greta. Kobeta." Sabi nitong si Nicho.
Dapat pauli't ulitin, ghorl? Hindi naman siguro nakakahiya kay Bright at kay Kuya Wesley yung word na 'Kobeta' right?
"Stop calling me Kobeta. I have a name. Astrid. Just call me, Astrid." Sabi ko dito at tinalikudan na ito.
Lakas tawagin akong Kobeta wow close kami? Feeler!
"Where's Ponson?" Naririnig kong pagtatanong ni Kuya Wesley dito.
"Coffee Shop." Maikling sabi ni Nicho dito.
"Wes, nandito pala ang inaanak ko? Hindi ko man lang nakita." Narinig kong sabi nitong si Bright.
Inaanak niya pala si Ponson? Sana ol Ninong. Damot kasi nitong si Nicho hindi man lang ako ginawang Ninang ng anak niya!
Kelan pa sila naging close ni Bright? Sa pagkakaalam ko galit sila sa isa't isa 'noon'. Pero malay mo naman nag bati na diba?
"I'll call Daxter." Sabi ni Nicho.
Nagkukunwari lang akong may binabasa dito sa Laptop na nasa harapan ko pero ang totoo nakiki chismis lang talaga ako sa mga pinaguusapan nilang tatlo.
"Daddy!"
Napa angat yung tingin ko ng marinig ko yung boses ni Ponson na kakadating pa lamang.
"Come on Ponson!"
Naka awang lang yung bibig ko dahil sa nakikita ko ngayon. Daddy niya si Kuya Wesley? Hindi si Nicho? Ha? Bakit? Ang alam ko si Nicho ang Daddy nitong si Ponson.
"Ito na ba si Ponson, Wes? Gwapo ah. Manang mana kay Ninong!" Sabi ni Bright dito at niyakap si Ponson.
"Hi Nongnong!" Sabi ni Ponson dito.
Mukhang hindi pa ata ako nakikita nitong si Ponson. Gustong gusto ko na siyang yakapin at halikan sa pisnge!
"Goodmorning! Wow Pizza! Penge ah." Narinig ko sabi ni Judy na kakadating lang.
"Goodmorning! Si Astrid may dala niyan." Sabi ni Bright dito.
"Astrid? Ate Astrid?" Narinig kong paguulit ni Ponson sa pangalan ko.
"Kilala mo si Astrid, baby?" Pagtatanong dito ni Kuya Wesley.
"Yes, Daddy! Where is she?" Pagtatanong nito sa kaniyang Daddy.
All this time akala ko si Nicho yung Daddy nitong si Ponson pero nagkamali ako Tito niya lang pala ito.
Nakalimutan kong brown eyes din si Kuya Wesley at makikita mo sa mga mukha nila yung pagkakahawig nila ni Ponson.
Medyo mali ako sa part na hinuhusgahan ko siya ng hindi niya alam ah. Sorry naman. Sorry na.
"Uy, girl tawag ka nung bata!" Sabi nitong si Judy at ipinatong na sa kaniyang table ang kaniyang bag.
"Ate Astrid!"
Nagulat ako ng nandito na si Ponson sa harapan ko at nakayakap na sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/229129398-288-k997113.jpg)