October 2013
Mia's Pov.
"LIAM BILISAN MO MALE-LATE NA TAYO." Sigaw ko sa kanya.
Kanina pa kasi kami rito sa mall naglalaro kami ng arcade hindi namin namalayan time na pala para sa afternoon subject namin.
Nakita ko namang palabas na ito ng comfort room.
"Ang lakas naman ng boses mo ang daming tao sa loob." Nahihiyang saad niya habang kinakamot ang ulo, nasa-cr kasi kami kagagaling naming maglaro.
"Syempre tingnan mo. "at pinakita sa kanya relo's ko. " See 10 minutes late na tayo. Ano papasok pa ba tayo?" Nag-alalang tanong ko sa kanya.
Nginitian naman ako nito at hinila pabalik ng Arcade?!
"Ho...Hoy..hoy..ba't tayo bumalik." saway ko sa kanya habang nagpapabigat sa kanyang hila papasok sa arcade.
Binitawan niya ako at lumingon sa akin may asong ngiti yung kita ang ngipin.
"Laro nalang tayo sa second-period nalang tayo papasok nakulangan pa kasi ako kanina," wika niya habang nakangisi.
Pinandilatan ko ito ng mata pero binalik ko agad wala namang masama siguro at malapit na ring mag sem-break next week final exam na namin.
Mabilis talaga ang araw third-year college na kami ngayon at magkaklase kami sa lahat ng subjects naging malapit na kami sa isa't-isa at magkasabay kami tuwing nage-enroll and I can say he is my close friend. Best friend rather.
Maraming nangyari sa nag daang buwan minsan nag-aaway kami minsan din nag-aasaran pero, in the end, nag-kakabatian din ganyan siguro kapag malapit na kayo parang kapatid na talaga ang turingan niyo.
"Hey! Mia on earth Mia on earth... where are you?" Tinulak ko ito may parang binulong kasi pero hindi ko maintindihan.
"Sakit nun hah... parang hindi mo naman ako friend." Pagpapawang saad niya at nakahawak ito sa dibdib niya.
"Over-Acting, nakikiliti kasi ako ano ba 'yong ginawa mo hah? at ano 'yong binubulong-bulong mo kanina hah?" Asik ko sa kanya at naunang pumasok sa Archade.
"Because kanina pa ako nagsasalita hindi mo naman ako pinapansin hindi mo rin sinagot tanong ko kay aga-aga nag de-dreaming ka na."sagot niya sa akin ng nakasunod.
Pumunta naman ako sa may basket ball machine ito kasi favorite ko or should I say namin.
"Ganun ba... Sorry." sabay tingin ko sa kanya at binuka palad ko. "Do you still have tokens?" Panghihingi ko sa kanya naubos na kasi 'yong sa akin kanina.
"Yep, "Kumuha ito sa bulsa ng bag niya." Here."
"Thanks, so as usual paramihan tayo ng score doon ka sa kabila." Utos ko sa kanya.
Tiningnan ko siyang pinasok ang dalawang tokens at ti-nap ang button.
Start na.
"Let the battles begin." Nakangiting wika niya na nakatingin sa akin. "May the best win." sabay kindat sa akin.
Loko talaga.
*****
Katatapos lang ng last subject namin at papunta kami ngayon sa Canteen as usual kakain ng meryenda bago umuwi nakasanayan na talaga namin na rito tumambay muna."Toka ko ngayon 'di ba?" Tanong niya sa akin, ako kasi ang nang-libre sa kanya kahapon.
Huminto muna ako sa paglalakad at nginitian siya ng matamis.
"Tsskk, I know that smile, oo na oo na."
Ngumiti naman ako at naglakad papasok sa canteen at naghanap ng mauupuan may nakita naman akong dalawang seats sa may gitna ng mga secondary students ayon sa uniform nila.

BINABASA MO ANG
Is He Real? COMPLETED
FanfictionA Lola's girl named Mia Cariñoso, a loner yet tough, a kind yet blunt but this girl has lot's of doubts in her life but later on her doubts and lonesome way changed when she met the two men who will fill the missing experience in her life. Date Sta...