Chapter 35

36 8 81
                                        

Dedicated to kamielle1024

Nandito na kami ngayon sa school at abala kami sa pagku-kumpleto ng perma nitong final clearance namin, ito rin ang isa sa pinaka-mahirap na gingampanan bilang estudyante.

"Honest! I feel so exhausted." Nakahigang saad ni Queen dito sa quadrangle.

Mabuti at purong-damo rito at mahangin dahil sa nagtataasang puno ng fire tree na nakapalibot sa quadrangle na ang harap nito ay malawak na stage at sa likod nito ay ang Building ng Midwifery, sa Likod naman namin ay Engineering department sa kaliwa naman ay Nursing department sa kanan naman ay Education department ang ibang department naman ay nasa likod ng Midwifery katulad ng Gym, Crim, Pt, Architecture and fine arts at iba pa.

Nagpatianod naman ako sa hangin at nakapikit ko itong dinaramdam.

Ang sarap sa pakiramdam ang ganito ang init ay hindi masyadong masakit dahil sa hangin na galing sa puno, napaka-presko at nakaka-relax.

"It's okay Inday Queen, we're almost done tatlo na lang ang kulang pagkatapos nito, final exam naman ang pagtutuonan natin ng pansin." naka-cross legs na saad ni Kin habang ang dalawang kamay nito ay nakatukod sa magkabilang pisngi niya.

Mabuti na lang at Wednesday ngayon washday kaya hindi nakakahiyang umupo rito dahil nakapantalon kami.

Bumangon naman si Queen at tumingin sa amin."Honest! Haru-haru final is coming, I'm not yet ready ayaw ko pang magbakasyon."nakasimangot nitong saad habang binubunot ang damo.

"Inday Queen, fyi wala tayong bakasyon my summer class tayo remember?" Walang ganang sita ni Kin kay Queenie.

Biglang inihagis ni Queen ang damong nabunot niya at napunta sa amin, natatawa nalang ako sa hitsura ni Queenie kung kaninay nakasimangot ngayon halos mapunit na ang mukha nito.

"Ano ba yan, Queen nakain ko ang damo pweh!"

Sabay-sabay naman kaming napalingon ng marinig namin ang boses ni Liam, nakahiga ito malapit sa likod ko na nakapikit habang ang isang kamay nito ay nakadantay sa nuo niya  .

"Ang galing honest! hindi ka namin napansin Liam..." sabi ni Queen habang pinagpagan ang dalawang kamay, ngumiti naman ito habang nakapikit pa rin.

"Tapos na ka na?" mahinang saad ko, at binaling ang tingin ko sa mga estudyanteng dumaraan.

"Tapos na, kailangan eh, alam mo naman." naramdaman kong bumangon ito kaya napatingin na ako sa kanya.

"Honest! bakit ka nga ba mauuna sa amin mag-finals?" Hirit pa ni Queen, si Kinfe naman nanatili lang sa posisyon niya pero panaka-naka niya kaming tinitingnan.

"Hmm... pupunta na akong Seoul, next -week... that's why I'll take the finals first."

Napatayo naman si Queen at umupo ulit sa tabi ni Liam."Honest!honest!honest! Liam hoi, Mr. Lim honest?"hindi makapaniwala niyang saad habang niyu-yugyog niya ito.

"Queen, kung maka-react ka naman wagas." Pasiring na sabi ni Kin."Pero 'di nga? one year na lang gra-graduate na tayo sayang naman Liam."

Liam nodded."Kailangan eh, pero babalik pa naman ako soon, mag-ingat kayo rito at alagaan niyo ang isa't -isa."tumingin naman ito sa akin at yumuko."Lalo ka na Mia," ngumiti lang ako pailalim at tumango.

"Honest! ang unfair mo naman Liam, oh... nang-iiwan hai...." dumilat naman ito bigla at tumingin kay Liam."Wait?honest! Seoul ba kamo? haru-haru sa South Korea 'yon hindi ba? OMG!"

"Ikaw talaga Inday Queen, sa susunod na 'yang pantasya mo, pero tbh lang Liam, kung dito ka na lang kaya magtapos atsaka iba yata ang curriculum ng South kaysa rito sa Pilipinas." Umupo na ito nang maayos katabi ko at si Liam naman ay napapagitnaan namin ni Queenie.

Is He Real? COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon