Chapter 58

27 6 90
                                        

Mia's Pov.

Nandito kami ngayon nakatayo sa harap ng mga tao, ito ang unang beses na sasayaw ako na nasa harap noong college kasi hanggang likod lang ako ngayon nakaharap na ako sa nga tao.

Napatingin ako sa gawi ni Teacher Rina, siya at ang asawa nito ng may-ari ng school pero paglingon ko mukha ni Kuya Jong ang nakikita ko, ewan ko kung imahinasyon ko lang ba ito pero nakakagaan ng pakiramdam ng makita ko siya.

Halos hindi ko inalis ang mukha ko sa kanya hanggang matapos ang sayaw nang yumuko kaming lahat paglingon ko ulit wala na siya, napabuntong-hininga nalang ako papaalis ng stage. Imagination ko lang talaga.

Pumunta na kami sa silid namin habang ang ibang students naman ay panay hawak sa akin 'yong ibang grade level naman namimigay ng mga regalo na appreciate ko naman nang sobra.

Pagpasok ko sa silid ko gaya ng pag-iwan ko kanina ganun din ang ayos parin buti hindi ginulo ng mga bata.

Naka-ayos kasi pabilog ng mga upuan pati na rin ang mga mesa bawat dulo ay may bakante para makapasok at labas ang mga bata at parents.

"Teacher Mia, ang galing niyo pong sumayaw napaka-graceful." Masiglang puri ng isa sa mga magulang ng aking estudyante.

"Hindi naman po masyado, pero maraming salamat po." Nakangiting sagot ko nito.

Kasalukuyan kaming kumakain ng may pumasok na nakayukong lalaking naka-hood may mask pa itong suot na may bitbit na dalawang supot na ang laman ay ice cream in cone.

Paglapag niya sa dalawang supot, inalis niya ang hood nito sa ulo pati ang mask na nakaharang sa ibabang bahagi ng mukha nito napangiti nalang ako ng tumingin ito sa akin habang ginugulo pa ang buhok nito.

Ang gwapo ng boyfriend ko.

"Ang pogi naman this boy, kaninong asawa o boyfriend ito?" Tanong ni ate Carol ina sa isa sa mga estudyante ko na nakatitig pa kay Kuya Jong.

Dahil ang gwapo ng boyfriend ko, maraming gustong kumausap sa kanya, kawawang Kuya Jong.

Napailing nalang ako at ngiti-ngiting kumuha ng pagkain ulit. Ang sarap kasi at ang mga magulang kasi ang nagbigay nito.

"Noona, I'm hungry." Sabi niya habang nakanguso.

Tumango naman ako nang dahan-dahan."You're hungry?" Ulit ko pa sa sinabi niya habang natatawa.

Tumango naman ito." Ne, Noona Mia."Papaawang saad niya, kumuha naman ako ng plato, kutsara at tinidor.

Napatingin naman ako sa paligid, mukhang walang nakakakilala kay Kuya Jong. Pasalamat siya kasi bukod sa parents ang nandito ang iba mga lola at Lolo kung nga teen-agers pa ito baka kanina pa siya pinagkakaguluhan ng walang tigil.

"Here Kuya Jong, serve yourself." Nakangiting saad ko at binigay sa kanya, umiling naman ito na nakanguso parin.

"Feed me Noona, your plate is full mind sharing it with me?"

Agad ko namang inilayo ang plato ko sa kanya."No, okay you sit there and I'll get yours." Malapad itong ngumiti sabay kumindat.

"Ehh..."

Kantiyaw ng mga parents na hanggang tainga ang mga ngiti, pinigilan ko naman ang tuwa ko kaya sa huli lumubo ang dalawang pisngi ko na kinurot ni Kuya Jong.

"Kyeopta." He giggled.

"The kids are looking at us," I said to him, tiningnan niya naman ang mga bata na masayang pinapanood kami.

Is He Real? COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon