November 21, 2014
Enjoyment, happiness, and satisfaction were present in our faces, in three years of listening inside the classroom now it's our time to enlighten the learners with our knowledge.
Today is our pinning and candle lighting ceremony it means starting on Monday we're officially a trainee or what we called an intern.
Nakasuot ako ng blouse-buttoned na kulay berde at may ribbon na nakatali sa palibot ng collar at palda na hanggang s tuhod na kulay mahogany brown at pinaresan ng two-inches na closed black shoes.
MIA CARIÑOSO
BACHELOR OF EARLY CHILDHOOD EDUCATION (BECEd)Nakangiti akong umakyat sa entablado hindi alintana ang mga palakpak at tingin nila ang importante natutuwa ako dahil malapit na akong grumaduate.
"Thank you," sagot ko pagkabigay ng pin galing sa dean namin.
Ang saya, galak at kuntento ang naghahari ngayon sa puso ko, habang nakatingin si Lala na sobra ang saya na nakatingin sa akin.
Ito ang pangarap niya para sa akin kaya tutuparin ko, kahit na ang totoo ayaw ko talaga sa kurso kong 'to.
Ako na tahimik lang at hindi mahilig makipaghalubilo magiging guro?
Ito ang naging tanong sa isip ko pagkapa-enroll ko pa lang sa Education. Kaso wala akong magagawa para sa kinabukasan ko naman ito.
Pero noong nagkaroon kami ng LTS (NSTP), noong first-year college pa ako dun ko napagtanto na tuwing nagtuturo nakagagaan pala ng pakiramdam.
Kaya simula nun, natutunan ko ng mahalin ang kurso, siguro ganun talaga sa una akala mo hindi ka mage-excel sa isang bagay dahil sa isip mo ay wala ka nito pero kapag naranasan muna masasabi mong natutunan pala ang bagay na wala sa'yo.
"Mia, apo halika rito ilagay na natin ang pin mo." Nakangiting tawag ni Lala sa akin.
Napatingin naman ako sa mga kaklase kong sinasabitan na ng pin ng mama at papa nia, nasa harap kasi kaming mga anak at sa likod namin ay dalawang upuan para sa mga magulang napatingin ako sa bakanteng upuan sa tabi ni Lala, mapait na lang akong napangiti. Okay, lang 'yan Mia.
"Ayusin mo ang pagtuturo apo, ito regalo ko sa'yo." sabay bigay ni Lala sa akin ng maliit na kahon kinuha ko na rin ang regalo ko para sa kanya.
Isang rosary bracelet ang iniregalo ko sa kanya, napatingin naman ako sa simpleng desenyo ng wrapper na regalo ni Lala.
"Buksan mo na Mia, titingin ako kung bagay ba sa 'yo." malumanay na saad ni Lala, tumango naman ako at sinimulang buksan.
"Wow, Lala ang ganda naman po nito," saad ko sabay tingin sa laman nito isa itong silver na relos na may pangalan.
Hindi katulad sa relos na ginagamit ko simula first year siya rin ang bumili nito pero hindi katulad sa nauna mumurahin lang 'to, pero para sa akin hindi importante kung magkano ang isang bagay ang importante naalala ka niyang bigyan na bukal sa kanyang kalooban.
"Alam ko kasing matagal na 'yang relos mo mabuti at nagana pa?" Mausisang tanong nito habang himahawakan ang pulsuhan ko.
"Pinapapalitan ko po kasi ng baterya Lala, kaya nagana pa." Matamis akong ngumiti at niyakap ito.
Simula pagkabata si Lala na talaga ang nagbibigay sa akin ng regalo kaya hindi ako sanay bigyan ng ibang tao, pero nung dumating si Liam at kuya Jong dahan-dahan na ko na itong naa-adapt na may ibang tao talaga na kahit hindi mo kapamilya pero sa puso nila isa ka na sa importanting tao na kahit walang kapalit ayos lang.
BINABASA MO ANG
Is He Real? COMPLETED
FanficA Lola's girl named Mia Cariñoso, a loner yet tough, a kind yet blunt but this girl has lot's of doubts in her life but later on her doubts and lonesome way changed when she met the two men who will fill the missing experience in her life. Date Sta...