Chapter 53

31 6 116
                                    

Mia's Pov.

Alas-sais na nang umaga gising na si Lala at si Ate Grace pagkagising ko napatingin naman ako kila Kuya Jong at Liam.

Hindi ko alam kong maaawa ba ako o matatawa, nakayakap si Kuya Jong kay Liam ang dalawang paa naman nila ay nakaligkis, natawa nalang ako sa posisyon nila para na naming ginawang camping site itong room ni Lala.

Bumili kasi ng dalawang folding bed siKuya Jong ang isa sa akin ang isa naman ay sa kanilang dalawa ni Liam si Ate Grace naman sa sofa.

Napapangiti nalang ang mga Nurse tuwing papasok sila, halos ang daanan lang  papuntang pintuan ang bakante nasa paanan kasi ako ni Lala sila Kuya Jong naman sa bandang c.r.

"Mia apo, nakakatuwa ang dalawang 'yan, magkaiba kumilos pero iisa lang ang ugali kung titingnan parang magkapatid lang."

Tumango naman ako." Tama po kayo Lala, kaya siguro naging malapit ako sa kanila." Nakangiting saad ko.

"Naku Mia, mala-artista ang dalawang 'yan ang kikinis at ga-gwapo, napaka-swerte mo naman jowa mo ang isa."turan ni Ate Grace habang naghahanda ng mga styro cups.

"Oo nga po ate Grace eh, ang swerte swerte ko," Patayo kong saad sabay tinupi ang kumot ko para na rin ma-fold ko itong higaan ko hindi kasi ako makakapunta sa gawi ni Lala kung nandito itong higaan ko.

"O siya, Mia samahan mo si Grace, sa nurse station para makapag-agahan na tayo." Utos ni Lala tumango naman ako at tinupi na ang hinigaan ko.

Tumungo na kami ni Ate Grace sa station para manghingi ng mainit na tubig, nang nakabalik na kami ensakto namang nagising na sila.

Napa-iling nalang ako ng makita kong badtrip si Liam at masamang nakatingin kay Kuya Jong, na parang walang nangyari at nakangiti lang na kinakausap si Lala.

"Napano ka Liam?" Tanong ko para ma-kompirma ang nasa isip ko napangiti naman ako nang tipid.

Imbes na si Liam ang tinatanong ko, dahil na rin sa wala ito sa mood si Lala agad ang sumagot.

"Niyakap daw siya ni Jong kaya ganyan ang hitsura." Tawa-tawang saad ni Lala.

"I cringed when his leechy long hand circling my body, I felt harassed." Masama pa rin ang mata nitong nakatingin kay Kuya Jong.

"You see I don't have enough space, you already took the bigger area than mine." Patay-malisyang saad ni Kuya Jong nang naka-ngisi inaasar si Liam.

Aakmang babatuhin ito ni Liam ng tsenelas ng dali-dali ring umamba si Kuya Jong ng suot din niyang tsenelas na may markang Sandugo.

Umiling nalang ako sa awayan nila si Lala naman at Ate Grace ay tumatawa dahil sa dalawa.

*****

Katatapos lang maligo ni Liam ng nagpaalam ako kay Lala na aalis muna ako kasama sila, sa kadahilanang gusto nila akong samahang isauli itong toga hat at toga dress na suot ko kahapon.

"Noona Mia, let's just leave Liam here let's have a date." Pabirong saad ni Kuya Jong na nakadungaw ang ulo sa pintuan.

"Who you, Jong-suk?" Asik naman ni Liam na nagsusuklay pa ng buhok.

"Let's go Noona, let him find his own partner so we could have our time alone." Dagdag pa ni Kuya Jong na dinilatan ko nang malaki, nakakahiya.

"Mia you closed that door, there's a stranger's head creeping at us." Seryosong turan ni Liam palapit sa akin at hinila ako.

"Hey! I'm not a stranger, I'm he's boyfriend right Noona Mia and I'm soon to be Lala's grandson right Lala?"Nakadungaw pa rin ng ulo niya sa pintuan .

Is He Real? COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon