Chapter 43

30 6 105
                                    

Mia's Pov.

Alas-siete na nang gabi ng dumating kami rito sa bahay, laking pasalamat ko talaga na sumama si Liam sa amin kasi kung hindi, para lang akong palamuti dun sa bahay nila Mama dahil nahihiya akong makihalubilo sa mga bisita nila.

Minsanan lang kasi akong nakakapunta doon siguro ang huling punta ko dun ay fourth year high school pa lang ako.

"Mia apo," wika ni Lala.

Kasalukuyan ngayon akong nag-iinit ng pagkaing pinadala ni Mama sa amin, napatingin naman ako kay Lala na nasa bukana ng pinto rito sa kusina.

I raised my brows and smiled timidly."La, bakit po?"

Bumuntong hininga muna ito bago magsalita."Pasensya kana sa Mama mo."Malungkot na may bahid na awa na turan ni Lala.

Ngumiti muna ako bago in-off ang stove."Lala, bakit naman po kayo humihingi ng pasensya wala lang po 'yon sa akin kaya 'wag kang malulungkot para sa akin."masigla kong sabi at niyakap ito."Intindihin niyo po muna ang puso mo Lala, 'wag mo nang mag-isip nang kahit ano, okay po Lala."

"Mia..." Mahinang turan ni Lala sabay himas sa buhok ko."Alam mo bang ikaw ang nagbigay kulay sa mundo namin ng Lolo mo, nang isilang ka parang nabuhayan kami na may iba pa kaming magagawa kahit tumatanda na kami." Kumalas si Lala yakap at tumingin sa mata kong nanunubig na."Kaya huwag mong isiping naging mali ka at hindi ka tanggap alam kong hindi mo pa naririnig ang paliwanag ng Mama mo pero alam kong mahal ka niya apo."

Niyakap ko ulit si Lala at dun nilabas sa balikat niya ang luhang pinipigilan ko, 'yong tipong nabasag ang puso mo pero dahil sa salita ni Lala unti-unti itong nabubuo at kahit na may lamat na ito nararamdaman kong iingatan pa rin ako.

Huminga nang malalim si Lala sabay bigkas ng katagang nagpangiti sa akin."Always remember apo, behind the clouds is a silver lining."

"Na-miss ko po ang mga salitang iyan galing sa'yo Lala, matagal mo na po akong hindi sinasabihan ng mga ganyan Lala, ang paborito ko nga ay tell me who your friends are and I tell you who you are." Pag-alala ko sabay ngumiti.

Since elementary pa ako mahilig talaga si Lala sa mga golden rules at mga sayings na mapapaisip ka talaga kaya siguro ako tahimik dahil siguro sa palagi niya ring sinasabi sa akin noon na a silent water runs deep, while an empty can is noisy. Ibig sabihin pag may laman ang utak mo alam mo ang tamang sasabihin, pero kapag maingay kang tao kahit walang kabuluhan nilalabas ng bibig mo.

Tumawa na lang kami ni Lala pagkatapos at tinuloy ko na ang pag-iinit pagkatapos ay kumain na kami ng hapunan, halos malapit ng mag-alas dyes nang matapos kong hilutin si Lala, sumakit daw kasi katawan niya kaya minasahe ko.

Pagkatapos, binuksan ko muna ang laptop ko para e-send kay Queen ang ginawa kong application letter for public school, para sa susunod na out-campus duty namin.

Matutulog na sana ako kaso hindi ako dinalaw ng antok, kaya napag desisyonan ko na magsulat muna sa aking diary para ibahagi ko ang mga nagawa ko ngayong araw, at alam kong isa rin ito sa makatutulong para makatulog  ko.

Nang matapos na ako naghanda na ako para matulog, pinapagpagan ko muna ang kumot ko nang biglang tumunog ang ringtone kong maingay.

Nilagay ko muna ng kumot ko sa kama bago kinuha ang cellphone ko, malapit sa lampshade ko.

"Ne?(Yes)" I exited a smile as I said the word.

Ito kasi parati kong naririnig tuwing nanunuod ako ng Korean dramas.

I smile more when I heard him chuckled."Anneo, Oppa?"I added.

Kakaiba talaga ang nararamdaman ko  kapag tumatawa siya, siguro dahil ay naririnig ko ito sa mga palabas niya at nai-imagine ko na ang kausap ko pala ay si Lee Jong Suk sa palabas hindi si Kuya Jong.

Is He Real? COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon