Chapter 49

21 4 108
                                    

Mia's Pov.

Halos takipan ko na ang mukha ko ng pagka-alis si Kuya Jong, hindi kasi mawala sa mukha ko ang saya at sarap nang pakiramdam ko para akong nakakain ng isang baldeng tsokolate.

Alam kong magkaiba kami ng mundo pero bakit ako pa?

Sa dinami-dami nang magagandang babae ako pa nagustuhan niya?

Wala nga akong paki kung sino ang makakatuluyan ko, hindi ako pipili na pang- higher standards.

Pero sa isang iglap to highest level ang nabihag ko.

Kami na talaga.

Si Lee Jong suk my love kami na!?

Inayos ko muna ang sarili ko bago pihitin ang doorknob, hindi ko kasi mapigilang hindi mapangiti.

Inhale.

Exhale.

Pagbukas ko nakatayong Queenie agad ang nabungaran ko, tinakipan ko ulit ang mukha ko,  hindi ko kasi mapigilang maisip na kami na ni Lee Jong suk kaya napapangiti ako.

"Mia?! honest! kayo na hindi ba? kayo na?" Tanong niya habang sinusubukang makita ang mata ko.

Kinuha ko na ang kamay ko at tumango."Kami na ni Lee Jong suk my love, totoo na talaga Queen." Impit kong sabi sa kanya.

"Honest...uwahhhhh!?" Napatakip naman ako sa tainga ko ng tumili ito nang malakas

"Sssh! Queen." Kin gestured for her to keep her voice low.

"Pero my God! Mia.. ikaw na ang pinagpala isang sikat sa Korea isang mabait, mapagkumbaba at malambing ang boyfriend mo." Hindi makapaniwalang saad ni Kin na parang iniisa-isa ang mayroon kay Kuya Jong.

"Hep hep.. honest! may kulang pa Kin e-add on mo na gwapo, cute at mayaman pa for sure."
Tumingin ulit ito sa akin."Mia...honest! ano ang feeling mo?  wala bang something puputok diyan sa katawan mo?" Nakangiting saad nito.

Tumango naman ako ng dahan-dahan."Mayroon nga Queen, itong puso ko parang sasabog na." Tumili naman ito maliban kay Kin na nakangiti lang at napailing dahil sa reaksyon ni Queen.

Halos mapunit na ang ngiti ni Queen dahil sa sinabi ko ako naman ito nakangiti rin pero hindi naman masyadong malawak sakto lang.

"O sige na, maghahanda pa tayo para sa kakainin natin."mungkahi ni Kin at napabalik naman kami sa realidad na kailangan pa naming kakain at maghanda para bukas.

Umalis muna sila dahil ilalagay muna  mga gamit nila sa kwarto at titingnan nila kong natuyo na ba ang mga nilabhan nilang uniform kahapon.

Naisip ko naman si Kuya Jong, hindi ko man lang siya napakain muna bago umalis papuntang Korea.

Kinuha ko muna ang cellphone ko at nagtipa ng mensahe para sa kanya.

Hi Kuya Jong, have a dinner first before you go to the airport, okay?

Send.

Nag-chat lang ako sa messenger para mapadali, kaso hindi siya online.

Halos limang minuto rin akong naghintay sa mensahe niya pero wala talaga, kaya tumayo na ako at tiningnan din ang sinampay ko sa loob ng cr.

Mabuti at tuyo na at walang amoy, hindi na kasi namin nilabas baka nakawin lang at mabuti  na rin dahil hindi kami nakauwi kaagad kahapon.

Kakasaing ko lang nang marinig ko ang tunog ng cellphone ko, dali-dali ko naman itong kinuha at tiningnan kung sino ang nag-text.

Napahalumbaba ako ng nakita kong si Liam pala ang nag-text nereplyan ko naman ito.

Gusto ko sanang sabihin sa kanyang kami na ni Kuya Jong kaso wala ako sa mood, ewan ko kung bakit.

Is He Real? COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon