"Honest!"
Agad na sabi ni Queen, pagkakakita niya palang sa amin ni Kuya Jong pagkalabas namin ng sasakyan.
Nandito kasi kami sa bahay nila, sinabi ko kasi kay Kuya Jong na gusto kong makasama muna sila Kin at Queen bago kami lumipad patungong Korea, sumang-ayon naman siya at ito nagkita-kita na kami. Si Kin kasama na namin dinaanan namin siya bago kami pumunta rito.
"Magkasama pala kayo ni Kuya Jong, ikaw Mia hah! hindi mo sinabi nasurpresa ako, honest!" sabay hampas niya sa akin sa braso"Kakagigil ka Mia, umaga palang kinilig na ako."
"How are you, Queen-ah long time no see."
"Yes Kuya Jong, and everyday that you don't see me I'm getting more beautiful each day," wika niya at pabirong inirapan ako."Pero mas maganda si Mia, ang haba pa ng buhok naapakan ko na, honest!"
"You're funny Queen, but I agree you're getting mature enough and so with Kin and Mia you already have a work congratulations." Puri niya, habang palipat-lipat ang tingin sa amin.
Lumapit naman si Queen kay Kuya Jong at nag-approve sign."Good job to us Kuya Jong, may mga trabaho na tayo, honest!"
Napangiti naman kami ni Kin sabay akbay ko sa kanya."So, Queen punta na ba tayo sa CHAP?" tanong ko sa kanya, sabi kasi niya maganda raw dun.
"Mamaya na Mia, honest! ikaw talaga, kain muna kayo sa loob, mas maganda dun kapag hapon na para makita niyo ang sunset." sabay inakbayan ako at giniya sa loob nang malaking bahay nila.
Halos hindi ako makapaniwala na, kilala pala ang pamilya niya rito sa bayan kaya madali lang namin natunton ang bahay nila, isa ito sa modern type na halos puro salamin ang dingding sa bandang kanan ay malawak na garden na puro orchids at sa harap naman namin ngayon ay malaking double door.
Pagbukas niya ng pinto bumungad sa
amin ang malaking portrait ng pamilya niya, nakasuot sila ng traditional clothes na baro't saya.Si Prof. Hernandez na katabi ang maganda niyang asawa na mama ni Queen at sa likod naman ay ang tatlong kapatid ni Queen na puros lalaki si Queen naman na bunso ang nasa pinakaharap ng portrait nakaupo siya sa sahig na ang kulay ng baro't saya niya ay pula.
May mataas din na hagdanan na paliko ang stilo at sa ibaba naman nito ay isang sampung talampakan na puting christmas tree at ang daming regalo sa ilalim nito. Sa ibabaw naman namin ay isang pabilog na chandelier na pwede lagyan ng mga kandila.
"You're an elite Queen-ah." saad ni Kuya Jong kay Queen.
Umiling naman si Queen."Psh, just my parents Kuya Jong Oppa." walang buhay niyang saad at pumunta sa bandang kanan at nakita ko ang mama niya papunta sa amin.
"Hello everyone, ang gaganda naman at gwapo ang kaibigan ng princess ko." Malambing turan ng mama ni Queen, napangiti naman ako dahil nakalahad ang mga kamay nito kaya bumeso kami.
"Hi Ma'am, I'm Mia nice to meet you po." sabi ko sabay bumeso.
Ang pormal ng suot ng mama ni Queen, naka pencil cut na dress na kulay dilaw at naka closed-shoes na kulay beige ang buhok nito at apple cut na bumagay sa maliit nitong mukha.
"Princess, tell your siblings to go down."
Kinamot naman ni Queen ang ulo nito."Ehh... bakit po?"
"To meet your friends, ngayon ka lang nagdala rito ng mga kaibigan, puro pinsan mo lang kasi ang mga kasama mo." Natutuwang saad nito.
"Ehh..." Kontra- gusto niya pa sabay umakyat sa hagdan.
"I'm glad, na napadaan kayo rito by the way inihahanda na ni Manang ang meryenda niyo, feel at home lang kayo at pupunta muna ako sa municipyo alam niyo na work, work, work." Masiglang saad nito sabay lumabas na.
BINABASA MO ANG
Is He Real? COMPLETED
FanfictionA Lola's girl named Mia Cariñoso, a loner yet tough, a kind yet blunt but this girl has lot's of doubts in her life but later on her doubts and lonesome way changed when she met the two men who will fill the missing experience in her life. Date Sta...